CHAPTER 42

13.1K 372 55
                                    

NASA LABAS ng palasyo si John na ngayon ay lihim na pinagmamasdan si Amora sa malayo habang tinutulungan ang ilang mga taong nasa panig nila na may maraming natamong sugat. Tapos na ang gyera ngunit yung puso niya parang makailang beses na pinalaso dahil sa lamig ng trato sa kanya ng dalaga.

Ilang oras na siyang nakatayo at pilit kumukuha ng tyempo para makausap ito ngunit palaging palpak. Habang nakatitig sa Prinsesa, panay naman ang mura niya sa tuwing may nakikita na kung sino-sinong lalake na umaaligid at nananadyang inisin ang demonyo na pilit niyang kinukulong sa loob.

His dark gray eyes sparked with fire when he saw a young man walking towards his girl.

A dark smirk formed onto his lips, bahagya na ring nagtatagis ang bagang niya ng makita kung gaano kalapit ang dalawa sa isa't isa. He saw red, closed his eyes, and calmed himself. Dapat kontrolin niya yung sarili niya dahil alam niyang hindi magugustuhan ni Amora ang gagawin kapag hinayaan niyang kainin siya ng selos.

Yeah, right! Control my ass!

“If looks can kill, baka kanina mo pa napatay ang kapatid ng Prinsesa.”

Nabaling ang atensyon niya kay Darwin na nasa tabi. Later on, nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

“Kapatid?”

Darwin shook his head. “You should start knowing about the people around her, Cullen.” -his friend tapped his back. “September is pregnant, by the way. Mukhang ang Prinsipe na yung susunod na ikakasal sa'tin.”

“That's good. Ikaw? Kailan ka ikakasal?”

“Siguro pag natapos na yung space na gustong mangyari ng babaeng mahal ko,” -may guhit sa labi na tinalikuran siya nito. “You should start talking to Lightning so you can have his blessings. And oh, ready your speech. May Hari at Reyna ka pang kakausapin.”

His face paled right after his friend said it. Hinayaan niya itong umalis sa harap niya at ilang beses na namang nagmura sa isipan. Hindi lang si Amora ang kakausapin niya kung hindi ang Hari at Reyna ng England. Nanlalamig ang mga kamay niya dahil sa takot at kaba. Oh, holy moly, how could he forget about her parents?

Hindi basta-bastang tao ang kakausapin niya. It's a Royalty! Now that he's thinking about it, parang gusto na niyang magpakain sa leon o buwaya. Tangina.

Marami siyang maharlikang nakita at ilang kawal na nasa panig ng Reyna ng Scotland na palakad-lakad. Kahit ang Empress ng organisasyong mayfia ay may itinulong din kay Light. Abala ang mga mata niya kakatingin kay Amora na ngayon ay nakasakay sa kabayo.

Why does she loiok so hot riding that damn horse?

Unti-unti na namang uminit ang batok at tenga niya dahil sa naisip. He sighed in annoyance whenever his eyes landed on her perfect face. It felt like his world stopped spinning and his breath caught in his throat. Kung noon, baliw na baliw siya dito, ngayon naman, mas lalong na-baliw ng husto.

Habang nag-iisip ng gagawin upang makalapit sa babaeng kinahuhumalingan, bigla namang tumunog ang phone nito sa bulsa. The messenger on his phone kept buzzing senyales na may tumatawag through video call. Itinapon niya sa kung saan ang chewing gum na kanina pa niya pinapapak at tinignan kung sino.

His forehead knotted when he saw it was his sister.

Zaf Zaf?”

Naningkit ang mga mata niya ng wala siyang makita. “Bakit madilim? Nasaan ka ba?” -tanong niya. “Why did you call?”

He stood straight when he heard her sobs.

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon