CHAPTER 32

13.2K 362 62
                                    

KINAKABAHANG napatingin ako kay Kuya na ngayon ay masamang nakatitig sa'kin. Nandito siya sa harap ng hotel room namin ni Wan, wala si John Gil ngayon kasi may binili na hindi ko alam. Kinukutkot ko ang sariling kuko habang hinahayaan siyang pagalitan ako.

“Dianna, akala ko ba nagkaintindihan na tayo?” -tanong niya. “Sinabihan na kitang 'wag maging marupok pagdating sa kanya, 'di ba?”

“H-Hindi naman ako marupok.”

“Oh, really? Then what do you call this?”

Naiiyak akong napayuko. Marupok ba talaga ako? Gusto ko lang naman makasama si Wan kahit ngayon lang dahil aalis na ako pabalik sa England.

Hindi ko alam kung paano ako makakabalik dito sa Pilipinas kapag tuluyan na akong nakapasok sa palasyo, hindi naman kasi ako kagaya ni Kuya na nakakalabas-masok. I just wanted to enjoy my remaining days here with him, masama ba 'yon?

“Alright.”

Dahan-dahan akong hinila ni Kuya na siyang ikinaangat ko ng tingin.

He heaved a deep breath first. “Damn it. Hindi okay sa'kin 'to pero I'll leave you two together, but you have to promise me na walang mangyayari sa inyong dalawa.” -hinawakan niya ako sa kamay. “Do not let your guard down, Dianna. Or else sasabihin ko na sa kanya ang totoo.”

“K-Kuya...”

“You know that I am very protective when it comes to you. I do this for your own good, so please, listen to me.”

“I'm sorry, sorry po.”

“Apologies accepted,” -he messed my hair. “Enjoy the Paris. Sabihin mo sa'kin kung may gagawin siyang hindi maganda sa'yo.”

“Opo.”

“1125. That's my room. If he tries to touch you, do not hesitate to run and call me, or maybe just press your bracelet,” -he said. “I love you.”

“I love you too, Kuya.”

Tuluyan na siyang naglakad palayo. Pinagmamasdan ko naman ang likod niya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Pumasok na ako pabalik sa loob ng kwarto.

My Kuya Damein is very protective, naiintindihan ko naman siya kasi alam kong para sa'kin ang ginagawa niya. I already told him na hindi na ganun si John Gil. Ayaw niya pang maniwala pero sinabi ko talaga sa kanya ang mga nakikita ko. I know it's hard to believe that's why I am doing something para ipakita sa kanya na totoo ang sinasabi ko.

It's hard to forget all the pain, pero nandito ako at unti-unti siyang tinatanggap. I believe everyone deserves a second chance and Wan is one of those people.

Nire-respeto ni Kuya ang desisyon ko kaya niya ako hinahayaan. Mas lalong tumataas ang respito ko sa kapatid ko dahil sa ugali niyang talaga namang nakakahanga. Hindi na ako nagtaka kung bakit nagkagusto sa kanya si Ate September, bagay na bagay silang dalawa.

Speaking of Ate Sep. Sa condo siya ngayon ni Barret nakatira, gusto ko sanang magkasama kami ang kaso sabi ni Kuya sa mansion ako. Carson is with me the whole time kasi palaging may lakad si Barret, napapagalitan na nga siya ni Kuya kasi iniiwan ako, okay lang naman sa'kin kung umalis siya dahil alam kong wala namang mangyayaring masama lalo na't secured na secured ang buong Royal Village.

Barret and Kuya Damein, those two looks so cute together kapag nag-aaway. I wonder kung paano nila natitiis ang isa't isa?

HABANG hinihintay si Wan na dumating, bigla na lang may kumatok sa pinto kaya agad akong naglakad para buksan ito. Gulat na gulat naman ako nang makita si Ate Zafire na ngayon ay may bitbit na kung ano.

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon