CHAPTER 5

14K 361 36
                                    

NANDITO AKO ngayon sa skwelahan at tahimik na kumakain mag-isa. It's been seven days simula ng mangyari yung gabing hindi ko inakala na gagawin ni Wan. Ate Zaf's birthday party spread all over the television, even in magazine, nakalagay dun kung paano sinira ng kapatid niya ang birthday celebration.

I was so sad seeing that news, lalo na't hindi katanggap tanggap ang ginawa niya. Saksi ako kung gaano ka excited si Ate Zafire sa party niya tapos mangyayari lang pala 'yon. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil mukhang isa ako sa rason kung bakit nagkagulo, pilit ko mang iwasan hindi ko parin magawa dahil alam na alam ko ang takbo ng utak ni Wan.

Lahat guguluhin niya kapag ako na yung dahilan. I still remember how he uttered my name that night, how he was so upset and how he licked my neck.

I'm keeping myself away from Skyler right now dahil binantaan na niya ako tungkol dito. Pitong araw na akong nagtatago sa kanya at pilit siyang iniiwasan. As much as possible, iiwasan ko siya. Even if it's painful, I have to endure.

“You know, eating alone can be lonely sometimes.”

I was startled when I heard that familiar voice. I smiled as he approached me, saying, “Nico.”

“What are you doing here?”

“Ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan eh,” -sagot ko. “Anong ginagawa mo dito sa rooftop?”

“Enjoying the view?”

“What view?” -tumingin ako sa malawak na skwelahan. “Ito ba? Wala namang maganda dito.”

“Alam mo, hindi mo maa-appreciate ang isang lugar kung puno ka ng hinanakit at galit,” -aniya. “Tumingin ka sa buong paligid at namnamin ang ganda ng SIS, baka may makita kang gwapo—ay este, kainteresante diyan.”

Naiiling na napatitig ako sa buong SIS. Tanaw na tanaw ko mula dito ang ilang estudyanteng naglalakad, naglalaro, nagtatawanan at nagke-kwentuhan. Pero, ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay si Skyler na kanina pa naglalakad at mukhang may hinahanap. Actually, lakad takbo ang ginagawa niya.

“Nakita mo na ba?”

Napalingon ako kay Nico nang sabihin niya 'yon. “Ha?”

“Well,” -bahagya siyang napabuga ng hangin. “I am talking about Sky.”

“Oh,” -napangiti ako. “Pinagtitinginan siya ng mga estudyante.”

“Kasali ka ba sa mga estudyante na tinutukoy mo?”

Napangiti ako nang mapakla sa sinabi niya. “Ewan.”

“Hindi mo ba tatanungin sa'kin kung anong lagay ng kaibigan ko?”

Napaisip ako sa sinabi niya. “Kumusta na si Sky? Ayos lang ba siya?” -mahinang tanong ko. “Palagi niya ba akong hinahanap?”

He took a glanced at me, he then let out a sigh, again. “Pitong araw ng walang maayos na tulog ang kaibigan ko kakahanap sa'yo.” -pag-amin niya. “Pitong araw na walang ganang kumain kakaisip kung saan ka palagi nagtatago. He always asked me and Ace, always asked about your classmates pero palagi ka daw hindi pumapasok at minsan lang kung umattend ng classes. He was so worried about you.”

Uminit bigla ang dulo ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. Totoo naman kasing palagi na akong uma-absent, minsan pumupunta lang ako dito para tumambay sa rooftop. Ayoko kasing mag-alala si Lola, baka isipin niyang may problema ako sa skwelahan kahit totoo naman.

Kahit ayaw kong pumunta rito pumapasok parin ako kasi wala akong ibang lugar na pwedeng gawing tambayan. Everytime, I always asked myself kung tama bang gawin ko 'to sa sarili ko, pero as usual, hindi ko ma-sagot-sagot ang tanong ko.

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon