CHAPTER 24

12.2K 362 59
                                    

To jsndvdgsjakbamdkdn I hope you're having a good day. Always be safe. Wuvyuuu!

KANINA PA kami nakiki-party dito sa loob ng opisina ni Skyler. Hindi ko alam kung bakit nawala ang hiya ko at nakipag inuman kela Ace, Nico, Nishimura, Winter, Devor at Sky. Ipinagpaalam nga ako nang mga 'to kela prof na ipinagpapasalamat ko dahil baka mamaya mapahiya ako sa buong klase. Honestly, ang bilis tumama ng alak sa'kin.

I was really hesitant at first na uminom kasi hindi naman ako mahilig sa ganito pero dahil nadala ako sa mga demonyong katulad nila Nico. Heto, dumudoble na paningin ko.

I also met some friends with Ace. She's so fun to be with, and I am happy to meet her in person. Napakabait niya at hindi siya mahirap lapitan. Her name is Astrella, and she is beautiful. Hindi na ako magtataka kung bakit baliw itong kaibigan ni Skyler sa kanya.

“Sa Club ni Kuya Darwin ang continuation nitong birthday party ni Sky,” -sabi ni Devor. “Everybody's ready?”

“I am not in,” -Astrella raised her hands. “I'm sorry, alam niyo naman si Kuya.”

“It's okay, babe I understand.” -Ace held her hands. “Don't worry, hindi ako gaano maglalasing.”

“I know, you better behave.”

Mm, saya naman ng love life nilang dalawa.

“What about you?” -Winter looked at me dahilan para sa kanya na naman mabaling ang atensyon ko. “Sasama ka?”

Napatingin ako sa Butler ni Kuya, kailangan kong magpaalam sa kanya, baka kasi mamaya hindi siya pumayag.

“Barret?”

Agad siyang tumuwid ng tayo. “Vostra Altezza.”

“A-Ano, ayos lang ba kung sumama ako sa kanila?” -tanong ko. “'wag kang mag-alala, isasama naman kita.”

“Why would you ask me, Milady?” -kunot-noo niyang tanong. “Wala akong problema kung saan ka pupunta, basta't ligtas ka, wala akong tutol doon.”

“Talaga?”

Tumango siya. I was about to smile ng makita kong nakatitig sa'kin si Astrella, and that stares curios me. Yung tingin niya kasi parang hindi makapaniwala, yung mga mata niya halatang nagtatanong, na para bang may narinig siya na ikinagulat niya ng husto. Hindi ko na lang muna pinansin ang reaksyon nito at ngumiti kay Skyler.

“Sasama ako.”

Agad akong inakbayan ni Nico. “A'right! Cheers!”

“Alisin mo nga 'yang kamay mo.” -sita ni Sky. “Delos Reyes, isa.”

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang akong hinalikan ni Nico sa pisngi. Kumaripas naman siya ng takbo ng makita ang galit sa mukha ng kaibigan niya. Yung mga 'yon talaga.

Nilagok ko na lang yung iniinom ko at napangiwi. Malalagot talaga ako kay Kuya kapag nalaman niya 'to.

“Barret, gusto mo?” -aya ko. “Inom ka.”

“It's okay, Milady. I am not meant to partake in libations while I am in charge of your protection.”

“Oh,” -napatango-tango ako. “Sige, kain ka na lang.”

Habang tinitingnan sina Nico at Skyler na naghahabulan, lumapit naman sa'kin si Astrella na mukhang kanina pa hindi mapakali.

“Amora? Can I talk to you for a minute?” -she asked me when I finished drinking all my tequila. “Yung tayong dalawa lang.”

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon