NASA SIS ako ngayon. I don't actually have any plan para pumasok ang kaso naalala ko na may report nga pala akong gagawin. Thank god, nagawa ko na rin kanina. Masyadong nakakakaba kasi sobrang terror ni prof, siya yung klaseng propesor na hindi mo Pwedeng biruin, kapag sinabi niyang umayos ka, dapat talagang ayusin mo.
Pasalamat na lang talaga ako dahil tapos na yung sa'kin.
It was our break time ng makasalubong ko si Cora kasama ang mga kaibigan niya. Their eyes are so upset when they look at me, kaya mabilis kong itinago ang mga kamay kong nagsisimula nang manginig dahil bigla silang lumapit.
Ngayon ko lang ulit nakita si Cora simula noong kinausap siya ni Wan. Hindi ko alam kung bakit hindi na siya pumapasok. Maybe may emergency sa kanila... o baka trip lang niya na 'wag magpakita ng ilang araw.
“Sumama ka sa'min,” -palihim niyang hinila ang kamay ko saka ako inakbayan. “Wala ka naman sigurong planong tumakbo o humingi ng tulong, 'di ba?”
Umakyat na naman ang nerbyos ko sa katawan dahil sa sinabi niya.
“Cora, m-may klase pa ako.”
“Oh? Eh anong pake ko?”
Naiiyak na yumuko ako dahil sabay-sabay silang natawa. “Gagantihan kita dahil sa ginawa sa'kin ni John Gil, pagbabayaran mo ang pagpapalubog ng lalakeng 'yon sa kompanya ng Daddy ko.”
Napatingin ako sa kanya nang wala sa oras, kapagkuwa'y sinamaan niya ako nang tingin.
“Good girl ka, 'di ba?” -tumatawang tanong niya. “Quiet ka, okay? Mabilis lang naman ang ilang sampal.”
Hinayaan ko silang hilahin ako papunta sa gymnasium. Lima silang pumalibot sa'kin na para bang handa na talaga silang saktan ako. Nang makarating kami sa gitna ng hall ay mabilis akong tinulak ni Cora sa sahig dahilan para ako'y madapa. Napapikit ako sa sobrang sakit.
Nervousness was evident in my eyes when I saw them holding a ball. Their smiles sent shivers down my spine, yung kilabot na parang nakakahimatay, yung kilabot na ayokong maramdaman dahil alam kong iiyak na naman ako at masasaktan. I kept tilting my head down to avoid their gazes.
Walang ano ano'y may ilang estudyanteng nagsidatingan na hindi ko alam kung bakit, mas lalo akong natakot ng makita sa mga mata nila Cora ang kagustuhang saktan ako ngayong araw.
“Girls? You ready?”
Her friends laughed evilly. “Handang handa na.”
Tumingin naman siya sa'kin.
“Close your eyes, baby girl.”
Mabilis kong ipinikit ang mga mata at tinakpan ang ulo ko gamit ang mga kamay. Napakagat ako sa bibig ng maramdaman ang bola na tumama sa noo ko, malakas 'yon at nakabibingi.
People kept gasping and shouting. Yung ilan sa kanila pinapahinto si Cora. Wala namang pakialam ang iba kung batuhin ako sa kahit anong parte ng katawan ko. My tears stream down to my cheeks. Palagi rin akong nagmamakaawa sa kanilang tama na pero ayaw nilang makinig. Mas lalo akong napaiyak nang maramdaman kong may dugo na tumulo sa ulo ko.
“T-Tama na.”
“Ahas ka!” -sigaw niya. “Dahil sa'yo kaya nagbago ang pakikitungo ni John sa'kin! You're a bitch!”
I covered my head. “P-Please! Tama na!”
“Mang-aagaw ka!” -she shouted again and kept throwing balls at me. “Ahas ka talaga! Basura!”
Habang abala sila Cora sa pagbabato sa'kin may ilang estudyante namang inaawat sila.
“Hoy! Tama na 'yan!”
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomanceJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...