IT'S BEEN five days when I last saw John Gil Cullen. Talagang ayaw ni Barret na makita ako ni Wan, I've heard from Ace too na hinahanap niya ako but as usual, hindi nagtatagpo ang landas namin. Pumapasok ako sa school na palaging kasama itong Butler ni Kuya, si Lola naman minsan umuuwi sa dati naming lugar para alamin kung wala bang pumapasok na kung sino-sino dun sa bahay.
Si Skyler okay na, wala na yung sugat sa mukha niya na ikinahinga ko ng maluwag. Right after that trouble na nangyari sa club ni Darwin ay hindi na siya nakipag-usap kay Wan. May birthday celebration na nangyari sa mansion nila, Sky's birthday party ended fabulously. He invited me, but I respectfully refused kasi ayoko talagang dumalo lalo na't wala akong malapit na kakilala bukod sa kanya.
Ngayon naman, naghahanda ako para sa outing namin papuntang boracay. Nagpaalam ako kay Lola saka kay Kuya Damein na sasama ako, of course, kasama ko ulit si Barret but he told me babantayan niya ulit ako sa malayo. Susunod siya sa'kin sa Boracay after he fix something, hindi niya muna ako maihahatid kasi may kailangan pa siyang asikasuhin. Kuya told me over the phone yesterday na sumama muna ako kay Ace habang wala pa ang Butler niya.
Actually, I didn't know na magkakilala pala si Ace saka si Kuya Damein. Ang liit talaga ng mundo. Marami pala akong kakilala na hindi ko aakalaing malapit lang pala kay Kuya.
“Hey, Amora.”
Napangiti ako nang makita si Ace Ashiro na ngayon ay kabababa lang ng kotse.
“Nasaan si Astrella?” -tanong ko. “Akala ko sasama siya?”
“Nope, she's not.”
Kinuha niya sa'kin ang bag na dala-dala ko at ipinasok sa back seat. “Hindi dapat ako sasama ngayon kasi wala siya, but yeah. Kuya Lightning called me last night to accompany you, and because I am a fúcking good guy, here I am.”
I forged a smile, “Thanks.”
“You ready?”
I nodded. Binuksan niya ang pinto ng kotse kaya agad akong pumasok. He immediately locked it and get inside of the car. He started the engine and drove away.
As I looked out of the window, he began to talk. “Can I ask you something?”
Tinapunan ko siya ng tingin. “Hm? Ano 'yon?”
“How are you connected to Kuya Light? It seems like, you know, he genuinely cares for you. Do you have any relationship with each other?”
Relationship?
He's my brother.
“Yeah, I guess?”
Napamaang ang bibig niya sa gulat, mukha atang hindi siya handa na marinig 'yon galing sa'kin. “Fúcking serious? Ang ibig kong sabihin, how long? What about Skyler then?”
Talagang kumunot ang noo ko. What about Skyler? Ano namang gagawin ko kay Sky? As far as I know, wala naman akong something sa kanya. We're just friends. Entering a relationship with a friend can be a disaster. Ayokong maging awkward ang pagkakaibigan namin dahil dun. I know he doesn't like me, sobrang caring niya lang talaga kasi magkaibigan kami.
“'Wag mo na lang akong sagutin.” -aniya matapos ang ilang segundo kong pananahimik. “Tangina, ang dami-daming nagkakagusto sa'yo. ”
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, minsan kasi kapag magkasama kami nagsasalita siya ng kung ano-ano na hindi ko maintindihan. Totoo naman talagang may ugnayan kaming dalawa ni Kuya sa isa't isa. Not in a romantic relationship of course. Magkapatid kami eh.
Nauna na pala si Skyler sa Boracay kasi marami pa silang aasikasuhin dun. Yung ilang schoolmates ko naman nandun na sa airport at hinihintay ang ilang kasama namin na hindi pa dumadating, syempre kasali na ako dun. Kasama din namin ang ibang professors at ilang staff ng SIS.
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomanceJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...