CHAPTER 4

13.7K 335 23
                                    

JOHN GIL kept cursing back and forth while dialing Blood's number. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya sa sobrang galit. Pansamantala siya ngayong ikinulong dahil may binigay na ebidensya ang kapatid niyang nuknukan ng kaartehan sa katawan.

He can't believe Amora told his fúcking sister about it! Fúck! Fúck! Fúck! Kagat-kagat ang bibig na sinalubong niya ng mura ang kaibigang saka pa sinagot ang tawag.

“Kanina pa ako tawag nang tawag na tangina mo bakit ngayon mo pa sinagot?” -singhal niya. “What took you so long?”

“I just woke up, you idiot.” -sagot ni Blood na halata ngang kakagising lang. “Shit, I almost forget. Mapapatay ako ni Supremo, tangina, late na ako.”

“May lakad ka?”

“Transaction.”

“Puta,” -napahawak ng mahigpit si John sa batok niya. “I'm doomed. Lagot ako kay mommy pag nalaman niya 'to.”

“What happened?”

Nakihiram lang ako nang phone dito sa police station. I have a problem.”

“What the fúck, dude? Don't tell me nasa kulungan ka?”

Kasasabi ko lang na nasa kulungan ako, 'wag kang tanga.” -mura niya. “My fúcking idiot sister and my freaking damn cousin slash your stepmother imprisoned me. Alam mo na kung anong dahilan.” -napabuga siya ng hangin. “Bwisit, pinakulong nila akong dalawa.”

“Kaya pala wala sa kwarto si Nicole.”

Napakagat ulit siya sa bibig. “You're an attorney. Tulungan mo kong makalabas, hindi pwedeng 'di ko magulo ang birthday celebration ng Kapatid ko, lintek lang ang walang ganti.

“Busy ako, tumawag ka nalang kay Light, o 'di kaya kay Glenn. I'm sure those two will help you.”

“'Yon na nga ang problema, hindi pwedeng humingi ako nang tulong sa mga 'yon.” -sagot niya. “For sure, uungkatin ni King ang nangyari sa'kin, alam mo naman ang kaparusahan ko. Lagot ako pag nagkataon.

“Gago ka talaga,” -mura sa kanya ni Blood. “Alam mo na palang malalagot ka sinasaktan mo parin si Amora.”

Hindi siya umimik. Laman ng isip niya kung paano makakalabas. Ayaw niyang humingi ng tulong sa pamilya niya dahil mas lalo siyang malalagot, hindi rin pwedeng tumawag siya kay Light, dahil mukhang may pinagkakaabalahan din ito.

He sighed heavily. “C'mon, attorney, babayaran kita 'wag kang mag-alala.”

“Mahal ako maningil.

“Name your price.”

Rinig niya ang maikling tawa ng baliw. Binibiro lang kita, sige na, pupuntahan kita diyan.”

“Really?”

“Paulit-ulit?”

Psh. Sige na, isasauli ko na 'to.”

Ibinaba niya ang tawag at isinauli sa isang police officer. Umupo siya sa sahig at nanggagalaiting minura ang maarteng kapatid. Hindi niya aakalaing sasabihin ni Amora ang mga pinaggagagawa niya. Naiinis siya kay Zafire, kunting-kunti na lang mamumura na niya 'to.

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon