NAIINIS NA tumingin ako kay Kuya Denver na ngayon ay lihim na nakatingin sa isang Reyna. This Queen I'm talking about is the Queen of Ireland. Halata namang may gusto sya pero hindi niya lang masabi-sabi dahil masyado siyang mahiyain.
I want him to talk to her pero palagi siyang umaayaw, gumagawa na nga ako nang paraan para mag-usap sila pero napaka-introvert talaga. May pagpupulong na mangyayari ngayon dito sa palasyo kaya maraming maharlikang nandidito.
Handa na ang lahat sa isang kasalang mangyayari, and of course, hindi na ako makapaghintay na masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Ate September at Kuya Damein.
Pagkatapos ng gulong nangyari sa panig namin at sa panig ng impostor ay nagdulot 'yon ng kalituhan sa buong mundo, sobrang kalat na kalat sa news at kahit sa dyaryo. Akala ko nga pagtutulungan kami ng ilang dugong bughaw mabuti na lang matalino si Papa, naayos niya agad ang gulo sa loob ng isang buwan.
Yung impostor naman nakakulong sa pinakatuktok ng palasyo. I didn't visit him kasi wala akong mapapala sa kanya, baka kasi mamaya mapatay ko siya dahil sa sobrang galit. Alam kong gusto ng Prinsipe na magdusa ang lalakeng 'yon kaya hindi niya hinatulan ng kamatayan.
My Kuya Damien is not fond of killing someone, but I do admire his wicked plan. Torturing that asshole was undoubtedly satisfying. Kahit sino naman magbubunyi kapag namatay siya.
“Lola. Ako na po diyan.”
“Ano ka ba, Amor, kaya ko na ito.”
Binawi ko kay lola ang vacuum cleaner. “'Di ba sabi ko kapag nandito ka sa palasyo wala kang gagawin?” -mahina kong tanong. “Hayaan mo na ang mga tagapagsilbi ang gumawa nito.”
“Nabo-boryo na ako,” -aniya. “Gusto kong magluto ng biko hindi ko naman magawa dahil may sarili kayong chief, gusto kong maglaba ang kaso may sarili naman kayong labandera. Anong gagawin ko dito? Tutunganga na lang?”
Natawa ako sa sinabi niya. “Punta tayo sa Royal Kitchen, lutuan niyo kami ng biko dahil ipapatikim ko sa inang Reyna at mahal na Hari.”
“Baka hindi nila magustuhan.”
“Ano ka ba, La, nagustuhan nga ni Kuya Damein ang biko mo, sila pa kaya?”
Hinila ko siya papunta sa malaki at malawak na kusina dito sa palasyo. Tatlong buwan na rin simula ng dalhin ko siya rito at dito manirahan. Noong una, ayaw niya talagang sumama pero dahil mapilit ako, heto, magkasama na kaming dalawa.
Nag a-adjust pa si Lola sa mga nangyayari sa paligid niya kaya palagi akong nasa tabi. Naiwan namin si Gia sa Pilipinas, si Wan kasi yung nag-aalaga dun, ayoko namang kunin sa kanya ang pusa ko kung gayon ito yung palagi niyang kasama, sabi kasi ni Kuya close daw si Gia sa kanya kaya hindi ko na kinuha. Na-miss ko na rin yung anak ko. Ilang buwan na rin.
Nang makarating kami sa Royal Kitchen ay halos lahat nang mga tagapagsilbi yumukod ng makita ako, seninyasan ko naman silang umalis na agad naman nilang sinunod. Kumunot ang noo ni Lola na binalingan ako.
“Bakit umalis ang mga 'yon?”
“Para masolo niyo po lahat nang mga 'to,” -tinuro ko ang mga kalan at ilang kagamitan. “'Di ba mas magandang magluto kapag tayo lang?”
“Pwede ba akong mangialam kahit hindi akin?”
“Lola, lahat ng nakikita mo dito pwedeng pwede mong gamitin. You can even cook here whenever you want, lahat nang sangkap nandito na.”
Nagtagpo ang kilay ko ng makita sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti siya pero mababakasan mo sa mukha nito na may problema.
“Salamat apo, ha? Hindi ko mararanasan ang ganitong kagarang pakiramdam kung hindi dahil sa'yo. Alam kong naging mahirap ang karanasan mo noong nasa puder kita, humihingi ako nang despensa dahil hindi ko na ibigay sa'yo ang buhay na dapat mong natatamasa. Alam kong isang kahig isang tuka lang tayo, mahirap ang buhay pero pinili mong 'wag iwan ako, ikaw ang isa sa mga taong lubos kong ipinagpapasalamat na dumating sa'kin. Salamat, Amor, maraming salamat.”
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomanceJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...