CHAPTER 25

12.2K 367 54
                                    

BIGLANG nagkagulo sa loob ng club ng mag-amok ng away si Wan. I am really scared because he's drunk, natatakot na naman ako dahil si Skyler ang pinuponterya niya. Ace and the rest of his friend kept stopping Wan from beating him kasi maraming tao ang nakatingin. Nagpapasalamat din ako dahil pinaalis na lahat nung nagngangalang Darwin ang mga taong nasa loob ng Club niya pwera sa'min. I bet he's mad right now, marami kasing nasirang gamit.

Barret is also with me na ipinagpapasalamat ko. Talagang alerto siya kapag may nangyayari sa paligid, kanina nga hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala siya.

“Ano na naman ba, Kuya?” -galit na galit na singhal ni Skyler nang makitang kami na lang. “I am enjoying my fúcking night tapos guguluhin mo lang?!”

“Enjoying your night?” -Wan shook his head. “Wow. I am fúcking glad that you're fúcking enjoy your night by fúcking flirting with my girl.” -his jaw clenched. “I already warned you! I fúcking warned you! Bakit ba hindi mo maintindihan na sa akin 'yang babaeng pinopormahan mo?!”

“Hindi naman siya sa'yo!”

Masama siyang tinignan ni Wan. “Gusto mo tapusin ko buhay mo?”

“Gawin mo,” -tinapatan niya 'to ng tingin. “Diyan ka naman magaling, 'di ba? Ang pumatay?”

“C'mon dude, stop it.” -singit ni Nico. “Walang mangyayaring maganda kung pareho niyong idadaan sa init ng ulo ang lahat. You both are drunk, magkakasakitan lang kayo sinasabi ko sa inyo.”

“Wala naman akong ginagawang masama,” -sagot na naman niya na talagang galit. “Alam niyo 'yan, I am holding my anger right now because I respect Kuya. Bakit ba palagi ako yung pinapatigil niyo? Ako ba nagsimula ng away?”

“Alam mo namang sa inyong dalawa siya 'yung mas nakakatanda. We should never disrespect him.”

“Hindi niya ako nirerespeto. Anong gagawin ko? Tutunganga na lang? Dahil ano? Mas matanda siya sa'kin?” -malakas siyang napamura. “That's bullshit.”

“That's enough.”

Napatingin ako sa isang lalake na ngayon ay nakakrus ang braso sa dibdib. Bahagya naman akong namangha sa kulay abo nitong mga mata.

“Magsiuwi na kayong lahat, tangina anong oras na.” -kapagkuwan ay tinapunan niya ng tingin si Wan. “If you want to face the punishment once again, go on, manira ka pa. I understand you dahil ganyan din ako magalit kapag si Olivia na ang pinag-uusapan, but let me remind you this, Cullen. Hindi maganda ang ginagawa mo,” -tumingin ulit siya kay Sky. “Alam mo bang gusto niya ang babaeng gusto mo?”

“Kuya, bakit sa'kin na naman?”

“Just answer me.”

“Alam ko,” -nagtitimping sagot nito. “Alam na alam ko pero hindi naman siya katulad mo. Kuya, hindi mo ba alam na sinasaktan niya si Amora?” -tanong niya. “May karapatan akong makipag-usap kay Mauvianna kasi magkaibigan kami, may karapatan akong ipagtanggol siya kasi siraulo 'yang kaibigan niyo.”

Aambaan na sana siya ni Wan nang suntok ng pumagitna yung lalake kanina.

“John Gil, I said fúcking stop.” -he warned him. “Gusto niyo ba talagang tawagan ko si Kairo para mahinto kayo?”

Agad silang nagsitahimik. Right then, a man named Darwin cleared his throat.

“I want all of you to leave my club right away. Lalo ka na, John Gil Cullen. You will be banned from my club sa loob ng isang buwan. I am controlling my demon right now so you better leave peacefully.”

Hindi talaga ako makapaniwala na may mga kaibigan si Wan na ganito kayaman at ka-mangha mangha. Hindi na ako magtataka kung napapalibutan siya ng mga taong maipluwensya.

REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon