SEVEN DAYS ng nakikitira si Wan dito sa'min, pitong araw na hindi ko aakalaing mangyayari. Living under the same roof with him was unbelievable; everything that happened felt so unreal, and I couldn't help but ask myself if I was making the right choice by letting him in.
Wala si Wan ngayon kasi sabi niya may bibisitahin siyang kaibigan. He even told me the name. If I'm not mistaken his friend name is Lightning. Hindi ko nga lang alam kung saan sila magkikita. I didn't ask him about it, ayoko namang isipin niyang masyado akong chismosa.
Kanina lang din mga alas otso ng umaga nagkita kami ni Ate September, madali lang yung usapan namin dahil mukhang may importante siyang lakad.
Minutes after that naman umalis si Wan. He even asked me kung saan ako galing. Kakagising niya lang kasi kaya siya nagtanong. I told him may kinausap akong kaibigan and surprisingly, he didn't ask me anymore kung sino at kung anong pinag-usapan namin.
I admit he caught me off guard. I mean, I didn't expect he will never asked me tungkol sa pinag-usapan namin ni Ate Sep. Maybe he really changed. And I think that's a great news.
“Ako na po diyan,” -anas ko kay Lola dahil sumasampay na naman siya ng mga damit sa labas ng bahay. “Upo na lang po muna kayo.”
“Kaya ko na ito, apo, ano ka ba.”
“'Wag na pong matigas ang ulo.” -ngumiti ako sa kanya saka siya hinila palayo. “Nga pala, La, aalis ako ngayon kasi may bibilhin ako sa divisoria.”
“Uwi ka agad ng maaga,” -aniya. “Alam mo namang maraming siraulong tao ngayon, mahirap na.”
“Opo, La.”
Pagkatapos kong magsampay ay agad akong naligo. Five minutes lang ata ang tinagal ko kasi nagmamadali ako, ayokong suwayin si Lola. Sa lahat ng tao na ayokong mag-alala sa'kin, si Lola Auring ang ayokong bigyan ng sakit ng ulo.
While I was busy fixing my hair, I heard my Lola's lullaby. Napangiti naman agad ako at hinanap siya. Dahan-dahan akong yumakap sa bewang niya at isinandal ang ulo sa balikat nito. Her songs and her hums calmed me.
“Aba ay nanlalambing na naman itong apo kong maganda.”
“Syempre naman, La” -hinalikan ko siya sa pisngi niya. “Lab na lab kita eh.”
“Aysus. Magpapaluto ka lang ata ng biko.”
“Ay, La, hindi ah.” -bumusangot ako para makita niyang hindi epektib sa'kin ang pagkaing sinasabi niya. “Sadyang maganda lang talaga ang himig ng kanta niyo kaya gusto kong magpalambing.” -mas lalo ko siyang niyakap. “'Di ba, La, naalala niyo pa ba nung katorse anyos ako kinakantahan niyo ako kapag dinadalaw ako nang bangungot?” -tanong ko. “Kumakalma agad ako kapag naririnig ko ang boses niyo. Ang sarap lang kasing isipin na hanggang ngayon kinakanta niyo parin 'yan.”
“Ay, paanong hindi ako kakanta? Iyak ka pa naman ng iyak, hindi ka na nga halos tumahan kapag hindi mo naririnig boses ko.” -kumalas ako sa yakap at napangiwi dahil sa sinabi niya. “Syempre, mahal ka ni Lola, alam mo namang hindi kita matiis.”
Naiiyak na yumakap ulit ako sa kanya. “I love you, La.”
“Mahal din kita, apo.” -bahagya niya akong tinapik sa likuran. “Sobrang mahal na mahal.”
How can I not love my grandma? Hanggang ngayon, napapaisip ako kung wala si Lola saan kaya ako pupulutin? Nagpapasalamat na lang talaga ako na siya yung kumupkop sa'kin.
Naalala ko na naman kung paano ako napadpad dito sa Pilipinas. Sa airport kasi ako dinala ng mga paa ko that time when I tried to ran away, wala akong ticket kaya kailangan kong magtago. Sobrang hirap ng pinagdaanan ko kasi dapat hindi ako mahanap ng mga tauhan ng taong gustong dumukot sa'kin.
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomansJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...