KANINA PA ako dito sa mansion ni John Gil. Mugtong-mugto na ang mga mata ko kakaiyak at kakaisip kay Kuya. Hindi ako namamalikmata, siya yung kapatid ko, hindi ako pwedeng magkamali. That man is Kuya Damien, the Crown Prince and the first born of my father, King Atlaz and Queen Delia.
Right now, ayoko munang makausap si Wan, gusto ko munang mapag-isa. Iniisip ko si Kuya kasi hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, kung anong ospital at ano na ang kalagayan niya. I am thinking of Ate September as well, kanina kasi pinasama siya ni Achelios, hindi ko lang alam kung bakit.
Ilang taon akong naghintay na mahanap nang isa sa mga kapatid ko, tapos nung nandun na saka naman may nangyaring masama. Bakit ba napakamalas ko? Honestly, nagdadalawang isip talaga akong sumama kay Wan kasi nag-aalala ako kay Kuya Damein. Dalawang bala ang tumama sa bandang likod niya, kung hindi niya ako hinila pababa baka ngayon ako na yung nakahandusay sa sahig o di kaya'y sa dibdib tinamaan.
How is he right now? Did Achelios save my brother? Hindi na talaga ako mapakali.
“Amora?”
Napaupo ako nang tuwid ng marinig ang boses ni Wan. “Can I come in?”
Hindi ako sumagot. I don't actually have the courage to talk to him right now. Ayoko kasing tanungin niya ako. Alam kong marami siyang katanungan tungkol sa nangyari, lalo na't nakita niya kung paano ako umiyak sa sasakyan niya. I don't want to tell him the truth, I have to hide my Real Identity.
“Baby, please?” -pagsusumamo niya. “I am worried. Kausapin mo naman ako.”
Napatitig ako sandali sa pinto. Why would a billionaire like him worried for someone like me? Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin sa kanya.
“Amora, Baby bear. I am sorry.” -aniya parin. “I am so sorry kung nahuli ako. I wanted to help King na hanapin yung taong nagtangkang barilin ka pero hindi niya ako pinayagan,” -he sighed. “Your safety is important right now so I can't risk your life.”
Napabuga ako nang hangin. Mukhang kailangan ko pa atang sabihin sa kanya ng paulit-ulit na gusto ko munang mapag-isa. Naglakad na lang ako papunta sa pinto at dahan-dahan yung binuksan.
“W-Wan.”
“Oh, god.” -hinila niya ako at niyakap nang mahigpit na ikinagulat ko naman ng husto. “Thank you.”
Kagat-kagat ang bibig na napapikit ako sa ginawa nito. Hindi ko alam pero bigla na lang akong naiyak.
Niyakap ko siya pabalik dahil kanina ko pa gustong-gustong humagulhol. Kung kanina sa kwarto tahimik lang akong umiyak, ngayon naman hindi ko na mapigilan.
“Stop crying,” -he whispered. “I'm here. Hush now.”
“W-Wan.”
His hug tightened even more. He kept saying na hahanapin ng grupo nila ang taong nagtangkang patayin ako. I don't know kung anong grupo ang sinasabi niya. The anger in his voice is evident. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa kanya o matutuwa kasi pinapakita niya talaga sa'king hindi niya ako bibiguin.
Sabi ko nga noong una ayokong magtiwala sa kanya. He's John Gil. Kung masama lang? Nasa kanya na lahat. Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagbabago, marami siyang salita at kilos na binibitawan sa tuwing kaharap ako na hindi ko mawari kung bakit niya ginagawa. I don't want to trust him. If he's being good now, then that's cool, pero kung nagpapakitang tao lang siya sa harapan ko, siguro kailangan ko na nga atang tigasan 'tong dibdib ko para hindi na mahulog sa mga patibong nito.
Humiwalay ako sa yakap niya para tignan siya. “A-Alam mo ba kung... kung saan dinala ni Achelios ang lalakeng nagligtas sa'kin kanina?” -tanong ko. “May alam ka ba?”
BINABASA MO ANG
REAL IDENTITY (Mafia Series 4) (Completed✓)
RomanceJohn Gil Voughne Cullen is a fighter in the MAFIA'S ORGANIZATION. A kíller, a sociopath, and a man feared by all. He has a handsome face filled with villainy, violence, and authority. He is absolutely unhinged, mad, sick, and terrifying. If you mess...