Chapter 49

25 1 0
                                    

one week ago...

JEAN

"How's the investigation going, Joaquin?" bungad ni Lolo nang makapasok si Kuya Waki sa office kung nasaan kami. "May nakuha ka bang impormasyon?"

He's talking about the dead bodies that have been found outside our estate. Kahapon lang 'yon nakita at simula no'n ay gumawa na agad si Kuya ng paraan para mag-imbestiga. Hindi ko mabasa ang mukha nito pero sana ay may nahanap siyang impormasyon.

"The bodies are confirmed tortured, Lolo. May nakitang fingerprints ang forensics na magtuturo kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa kanila. Pero sa ngayon po, hinihintay nalang namin ang results kung kanino 'yon nanggaling."

"That's good news." Tumango-tango pa si Lolo na mukhang nabunutan ng tinik sa dibdib. "I don't want that to be misinterpreted by the people."

Of course, he cares about our family name. Ayaw na ayaw nito na may mag-isip na hindi maganda sa pamilya namin. Kaya gano'n nalang ang pagkasuklam niya kay Tito Lucas nang gumawa ito ng karumaldumal sa pamilya namin. At hindi ako magtataka kung kamuhian nito ang nagsadya sa paglagay ng mga katawan sa lupa namin.

"Jeanette."

"Lo?" mabilis na tugon ko nang bumaling ang tingin nito sa akin.

"To this day onwards, hihigpitan natin ang security ng hacienda. Forgive me, Apo, pero kung maaari sana ay patigilin mo na muna ang pagpapaakyat ng ligaw dahil hindi natin masabi kung sino ang mga pumapasok dito. Hindi ko makakaya kung pati ikaw ay mapapahamak habang wala rito ang Kuya mo at inaasikaso ang problema sa labas."

"I understand, Lo."

"That's for the better, Jeanette. Ituloy mo nalang ulit kapag naresolba na ang lahat," pag-aalo pa ni Kuya pero sinenyasan ko lang ito na wala lang ito sa akin.

"It's okay, Kuya, Lolo, I'm thinking of stopping it anyway."

"You mean hindi ka na maghahanap ng makakasama mo sa buhay? You're not getting any younger."

Napalaki ako ng mga mata sa narinig. Napatayo ako sa kinauupuan ko. "T-That's not what I'm meant by that! Oh God, hindi pa ako mag-aasawa, Lo! Bata pa ako para do'n." Halos mapapadyak pa ako sa sahig dahil sa pagtutol sa konklusyon niya. Iyon pala ang iniisip nito roon?

"You're already 26, Iha. Nasa right age ka na para magpakasal at bumuo ng pamilya."

Mabilis akong napailing do'n. "Lo, I'm not for that yet. Si Kuya! Siya muna dapat mauna. Wala na 'yan sa kalendaryo eh!"

Si Kuya ay imbis na ipagtanggol ang sarili ay natawa lang sa sinabi ko.

"Okay, let's not talk about that now." Lolo just waved his hand to dismiss the topic. "Ang mabuti pa, ngayon na rin natin pag-usapan ang tungkol sa foundation day ng farm. Ngayong katapusan na 'yon at hindi dapat maurong sa December."

Napabalik ako sa upuan at saka ako kunot-noo na tumingin sa kaniya. "Are we really going to celebrate that, Lo? Hindi ba't parang hindi pa tama na gumawa ulit ng malaking event? I thought we were going to tighten our security?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon