Chapter 41- ESCAPE
Lhorr's POV
Hindi ako makapaniwala sa nagawa ni Ethan kay Sandara. Pinalo niya ito ng vase sa ulo. Mabuti na lang at hindi ito napuruhan. Inutusan niya akong bumili ng puwedeng igamot sa sugat ni Sandara. Pero bago pa ako makaalis ay pinagbantaan niya ako. Isang maling kilos ko lang daw ay hindi siya magdadalawang-isip na patayin ako.
I hurriedly went to the drug store. Nagtanong ako sa assistance ng pharmacist kung ano ang puwde kong gamitin. Nasabi ko lang ay maliit na disgrasya lang naman ang nangyari upang hindi sila magkaroon ng hinala kung sakali. Nagmadali na kaagad akong umuwi kaya hindi ko namalayan ang nakasalubong ko paglabas. Nabangga ko siya.
"L-Lhorr? Ikaw ba 'yan?" tanong niya. "B-bakit may mga pasa ka?"
"Wa-wala ito, Kately. Kailangan ko nang umuwi. Mauuna na ako."
"Wait, Lhorr!" Hinawakan niya ako sa braso dahilan para mapaharap ako sa kaniya. "Anong nangyari? Si Ethan ba? Siya ba ang may gawa niyan sa iyo?"
"H-hindi," mabilis kong sagot.
"Sino? Sabihin mo sa akin, Lhorr."
"Wala. Wala nga 'to sabi!" Napagtaasan ko siya ng boses.
"Sige, Lhorr. Kahit anong pilit mong itago ang lahat, alam kong si Ethan ang may gawa niyan sa iyo. Halatang-halata sa mga pasa mo na sinasaktan ka niya."
"Sorry. Mauuna na ako."
Tumakbo ako nang mabilis para hindi niya ako maabutan. Ayaw kong magpakita muna sa kanila dahil alam kong ikapapahamak lang naming lahat. Ang alam nila ay masaya kaming dalawa ni Ethan pero kabaliktaran ng lahat ang akala nila.
*****
"Bakit ang tagal mo?!" sigaw sa akin ni Ethan pagkabalik ko ng bahay.
"Anak, huminahon ka naman nakabalik naman siya," pagpapakalma sa kaniya ni Nay Belinda.
"Huwag mo kong matawag-tawag na anak, matanda ka ha! Tabi!" Itinulak nito si Nay Belinda dahilan upang mawala ito sa balanse.
"Magsilayas kayong dalawa sa harap ko," utos ni Ethan. Tinutukoy niya kaming dalawa ni Nay Belinda.
Inalalayan ko si Nay Belinda palabas ng kwarto, kaya nagkaroon kami ng pagkakataon para mag-usap.
"A-anak, pasensiya ka na kung hindi kita natulungan kahapon, ha. Natakot din ako sa puwedeng gawin ni Ethan."
"Ayos lang po 'yon, nay."
Naiintidihan ko si Nay Belinda kaya hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Inakap ko siya nang makitang maiiyak na siya. "Kung sana bumalik na lang si Jorge dito... hindi ganyan magiging kasama si Ethan."
"B-bakit po, nay?"
"Alam kong takot si Ethan kay Jorge, pero hindi niya lang ito ipinapahalata. Kaya sana dumating siya at iligtas ka niya, anak."
Kaya pala sa tuwing nagkikita ang landas nila ni Jorge mukhang takot siya. Kaya pala ginagamit ni Ethan ang mga alas na puwedeng maging kahinaan ni Jorge. Alam ko na.
"Tahan na po, nay. Makakatakas din po tayo dito sa paraan na alam natin."
Jorge's POV
"Imposible!" Napalakas ang pagkakasabi ko kay Tim. "Tama nga ang kutob ko noon pa lang."
"K-kahit nga ako. Hindi ko rin akalain," nauutal niyang sagot. "A-ano na ngayon ang plano mo? Susugurin mo na lang ba siya basta-basta?"
"Hindi ko alam. Basta kailangan kong protektahan si Lhorr sa kamay ni Ethan. Ngayong alam na natin na siya talaga ang pumatay kay Zenn."

BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Teen FictionJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...