C29: Broken Trust

5 1 0
                                    

Chapter 29 – BROKEN TRUST

Jorge's POV

"L-Lhorr?"

I saw the burning anger in her face. It was not what she thought of what really had happened. The crystalline liquids from her eyes start to escape. I don't know what to say after she caught Sandara and I kissing each other. I didn't mean to hurt her.

"Lhorr, let me explain please," hinabol ko siya ng bigla siyang tumalikod sa akin, "It was an accident. Please listen to me," pagmamakaawa ko.

"Accident? Aksidente ba para sa 'yo ang makita kong nag-e-enjoy ka rin sa paghahalikan niyo?" Patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha. "Hindi na kayo nahiyang dalawa. Dito pa talaga sa parking area nitong mall? Nasaan mo nilagay lahat ng pinag-aralan mo, Jorge? Napakasinunggaling mo!" pagtataas niya ng boses.

"Excuse me, pathetic. Ikaw nga itong dapat kong tanungin, saan mo nakukuha 'yang kalandian mo? Hindi ka ba nahihiya? Ang dalawang mag-pinsan pinagsasabay mo? Nasaan naman 'yang pinag-aralan mo?" pagsinggit ni Sandara sa aming usapan. "Kaya siguro ginagayuma mo si Jorge dahil ang sarap din pala niya. Mabuti na lang natikman ko rin, Lhorr. Kaya mainggit ka naman, please," pilosopong sabi pa nito.

"Stop your f*cking mouth, Sandara," awat ko sa kaniya. Muli kong binaling ang aking pansin kay Lhorr. I know it really hurts her.

"It was an accident, Lhorr, please, believe me―"

Pak!

Isang malutong na sampal ang bumunggad sa akin. I deserve it either. After what she had witnessed, I deserve more than a slap from her. I am an idiot for hurting the girl I love.

"Alam mo kung gaano ka-importante sa akin ang tiwala, Jorge. Alam na alam mo 'yan. Pero bakit mo pa rin piniling sirain ang tiwalang binigay ko sa 'yo? Bakit mo ginawang parang laruan ang nararamdaman ko?" I can feel how heavy it is for her. Every word came out from her mouth hits my ego. I am a f*cking bastard.

"Wala kang pinag-iba sa mga lalaking kilala ko, Jorge. Tama nga pala talaga ang sinabi sa 'kin ni Poypoy. Sana hindi kita pinagkatiwalaan. Sana hindi kita hinayaang sirain ako."

"Sige, Lhorr! Sabihin mo sa akin kung ano ang hindi ko pinag-iba sa mga lalaking nanloko sa 'yo? Hindi mo lang alam, Lhorr, kung paano ako nasaktan nang nakita kitang kasama si Ethan kahapon. Hindi mo sa akin sinabi na nakipagkita ka sa kaniya. Pero, ano? Hinayaan ko lang dahil best friend mo siya," nasasaktang sabi ko. "Pero, hindi eh. Hindi best friend ang turing niya sa 'yo, Lhorr. Kaya sinusubukan kong ilayo ka sa p*tanginang pinsan ko na 'yon.

Nasasaktan mo ako, Lhorr, ng palihim. Sa tuwing nakikita kong mas masaya ka sa tuwing magkasama kayo, nadudurog ako. Pero, sige, hinayaan ko dahil alam kong ikaliligaya mo 'yon. Sabihin mo sa akin ngayon, Lhorr, kung ano ang dapat kong maging reaksiyon sa tuwing nakikita kitang masaya kay Ethan? Gusto mo bang maging mas masaya ako dahil do'n? Inilalayo kita sa taong makakasakit sa 'yo pero ikaw naman itong lapit nang lapit."

"Inalalayo o sinasakal mo ako?"

"Ayaw ko lang magaya ka sa ibang babae ng pinsan ko! Na nabulag sa kayamanan na mayroon siya at―"

Pak!

At sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang dumapo ang palad niya sa aking mukha. Hindi ko alam kung nasaktan ba ako sa ginawa niya o namanhid na ako. Tuluyan na ring umagos ang mga luha ko.

Isang text mula sa hindi naka-rehistrong numero ang na-receive ko kahapon. Magkikita raw si Lhorr at si Ethan. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya simula nang umalis ulit siya. At first, I thought it was just a prank message. But my alter ego wanted to know if it's true. I confirmed it after seeing Lhorr afar talking with Ethan. Pinagmasdan ko lang sila sa malayo habang masayang nagkekwentuhan. Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari nang hawakan ni Ethan ang mga kamay ni Lhorr. He kissed Lhorr's hand in front of my two eyes. Ibinaling ko ang aking tingin sa ibang direksyon. Hindi na ako nakatagal pa na makita silang dalawang harapan akong sinasaktan. Umuwi ako at nagpakalasing sa alak para makalimot kahit panandalian man lang.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon