Chapter 32 - BLACKMAIL
Lhorr's POV
Anim na buwan na ang lumipas. Nailibing na rin sina Mamang at Jimo sa tulong ni Poypoy. Hindi na ako tumanggi ng ialok niya ang kaniyang tulong na sasagutin lahat ng gastusin. Unti-unti na rin akong nakakabangon sa delubyo na nangyari sa akin. Pero sa loob ng anim na buwan ay hindi ko pa rin kayang makalimutan ang ginawa ni Jorge. Hindi ko na siya kayang patawarin.
Our paths crossed in the campus oftentimes, but we're just mere strangers. I will never forget how he ruined my life. He is a greatest impostor I have known. He tricked me. He allowed me to be spelled on his bad intention.
The first time I saw his presence after the incident was in the University's gym. Naglalakad ako noon nang makita ko siyang kasama si Kately. Matagal na akong dumistansiya kay Kately. Iyon din ang araw nang nalaman kong alam niya ang lahat ng mga plano ni Sandara at Jorge. Pinagkaisahan nila ako. Napatunuyan ko na nga, ang itinuturing kong kaibigan ay ang totoo kong kaaway.
Nasa iisang grupo pa rin kami. Pero hindi gaya ng dati, parang hangin na lang kami sa isa't isa kapag nagkakasama kaming apat. Sila Jhosy at Martin naman ay matatag pa rin ang relasyon sa loob ng isang taon. Nalaman ko na lang nang inamin na nila dahil umabot sila ng isang taon. That was their promise to each other, that we will be the first to know about their relationship.
Masaya naman sila, ngunit marami pa rin ang humahadlang. Naglayas daw si Jhosy sa bahay nila nang malaman ng kaniyang kuya na nakikipagrelasyon siya sa lalaki. That was a huge slap on his side. Kung sino pa ang akala mong magiging bukas na tanggapin ang buo mong pagkatao, sila pa ang unang huhusga sa 'yo. The world is a game of bravery, if you are weak enough to fight the current of discrimination, you'll lose your ground.
"Mukhang nagiging malapit na kayo ni Jorge, ha?!" birong sabi ni Jhosy, kausap niya si Kately.
"Wala, mabait lang talaga ang tao," maikling sagot niya.
"Mauuna na ako sa inyo. May kailangan pa akong puntahan," putol ko sa kanilang usapan.
"Saan ka naman pupunta... aber?" tanong ni Jhosy.
"'Yon din ang tanong ko sa 'yo, Lhorr," gatong naman ni Martin.
"Ahhh... Titingnan ko lang sa library kung may libro tungkol sa mutation ng ahas at higad. Baka kasi pwede silang mag-mate, kaya nabuo ang kagaya nila sa paligid. Baka rin kasi nadiskubre na sila dahil mukhang may dalawang gano'ng uri na akong nakilala," paliwanag ko.
"Hayaan niyo na siya, Jhosy. Baka hahanapin niya lang ang pakialam natin sa gusto niyang gawin sa buhay niya," sabat naman ni Kately.
Hindi ko na mapigilan ang inis ko sa sinabi niya kaya kaagad ko siyang hinarap. Hindi ako nagsalita habang nakikipagtitigan sa kaniya. Hindi ko inakala na iniimbak niya pala sa kaniyang suso ang sobra sa utak niya. Iniidolo ko pa siya noon, pero nang malaman kong mas masahol pa siya sa muriatic acid, kumukulo lang ang sikmura ko.
Tinignan ko lang ang maamo ngunit ahas-higad niyang mukha. Wala rin pala siyang pinagkaiba sa isang homo sapien na nagngangalang Sandara. Hindi ko sila hahayaang manalo. I will let them know the real monster inside of me.
"Bakit, Lhorr? May problema ba sa mukha ko? O baka na-insecure ka lang?" sabi niya habang nakikipagtitigan pa rin sa akin. "Don't tell me, nakakasawa ang mukha mo kaya ka iniwan ni Jorge."
Kinuha ko ang bote ng tubig na nakapatong sa lamesa. It was Jhosy's water. Nabigla na lang si Kately ng kaagad ko itong ibinuhos sa pagkain niya. Mabuti na nga lang hindi ko naisip na paliguan ko siya. I won't do that. I want her to clean herself alone.
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Teen FictionJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...