Chapter 40 - THE TRUTH
Lhorr's POV
Isang bakal na kamay ang naging rason upang mawalan ako nang malay. Kasabay nito ang pagdilim ng aking paningin at pagbagsak ko sa sahig. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay napansin ko na wala na ako sa parking area.
Nasa likod ako ng bahay nila Ethan kung hindi ako nagkakamali. Namalayan ko na lang na nakatali ang aking kamay sa isang poste rito. Pinilit kong sumigaw pero wala man lang boses na lumalabas sa aking bibig. Nakatali ito dahilan upang hindi ako makasigaw ng malakas.
Pinilit kong matanggal ang pisi ngunit masyado itong mahigpit na itinali. Nagsimula ulit na dumausdos ang aking mga luha. Hindi ko lubos akalain na ganitong buhay ang mararanasan ko kasama ang itinuring kong kababata.
"Mabuti naman at gising na ang donya-donyahan." Isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa aking likuran.
"Hayop ka Sandara! Pakawalan mo ako rito! Papatayin talaga kita!"
"Oooppps, the Lhorr I know can't kill someone. Besides, wala ka rin namang pupuntahan kung papakawalan kita kaya manigas ka diyan!"
"Wala kang kasing-sama kay Ethan!"
"Aba't!"
Hindi ko mapigilan ang mapangiwi sa sakit nang ibinuhos niya sa akin ang isang baso ng mainit na tubig. Mukhang katitimpla pa lang niya ng kape. Nararamdaman ko ang paghapdi ng aking mga braso. Hindi ko 'yon inasahan na gagawin niya.
"Bastusin mo ulit ang boyfriend ko. Hindi lang yan ang kaya kong gawin sa 'yo!"
Iniwan niya ako at pumasok na siya sa loob ng bahay. Naiwan ding nakalapag sa aking tabi ang lalagyan ng kainan aso. May laman itong pagkain na dala niya kanina. I saw a note written saying on the plate.
"Eat like a dog. Hayop ka rin naman."
Sa sobrang gutom ko ay kinain ko ito gamit lang ang aking bibig. Wala na akong pakialam sa nakasulat sa papel. They really treat me like a dog. Pero kakayanin ko lahat ng ito dahil minsan ko na rin itong naranasan noon. Mas masahol pa nga ang naranasan ko kumpara sa ginagawa nila sa akin ngayon.
Hindi ko tuloy maiwasang mangulila kay Mamang at Jimo. Hanggang nagyon ay patuloy pa rin akong nangangapa sa hustisya. It has been seven years but the scars are still fresh in my heart. Hindi ko rin napatunayan na may kaugnayan si Jorge sa pagkamatay nila kaya wala akong nagawa.
"Ops!"
Nabigla ako nang tapunan ako ni Sandara ng malamig na tubig. Hindi ko man lang namalayan na bumalik pala siya. Mukhang may sayad na ang babaeng kaharap ko, kung anu-ano na lang ang napagtri-tripan gawin sa buhay. Wala pa rin akong rason para sumuko sa pinanggagawa nila sa akin.
"Ano bang problema mo, Sandara? May sayad ka ba sa utak?" nangigigil na tanong ko.
"Sabihin mo na lahat, Lhorr, wala na 'yang epekto sa akin. 'Yan na po ang tubig niyo kamahalaan . Pasensiya na, dilaan mo na lang sa sahig. Ikaw kasi hinayaan mong matapon, " sagot niya, habang mala-demonyong nakangiti pa, "Hindi ba gano'n ka naman noong una pa lang? Hindi ka kumampi sa akin at mas pinaniwalaan mo pa ang mga hindi totoong sinasabi ng iba."
Wala akong alam sa biglang nasabi ni Sandara. Kanina lang ay mukhang masaya pa siyang nakikita akong nasasaktan niya. Pero ngayon, bigla na lang siya ulit naging seryoso.
"A-ano ang ibig mong sabihin, Sandara? Kung ano man 'yan ay hindi lahat totoo ang pinagsasabi mo sa akin," sabi ko.
"Totoo, Lhorr! Dahil ayaw mong ibaling nila ang kanilang atensyon sa akin na mas nangangailangan. Hindi mo alam ang dinanas ko para lang protektahan ka. I was a victim of..." napahinto siya, "I was raped, Lhorr, just to protect you! Hindi mo iyon alam! Wala kang alam tungkol sa nangyari sa akin!"
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Teen FictionJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...