C13: Visitor

22 2 0
                                    

Chapter 13- VISITOR

Jorge' s POV

"Ano ba 'tong ginagawa natin, Jorge?" nagtatakang tanong ni Tim.

"Oo nga. Kanina pa tayo parang baliw kakatago sa mga punong 'to," reklamo naman ni Khen.

"Basta," sagot ko lang.

"Anong basta? Eh, ilang araw na tayong parang may tinataguan," sumbat naman ni Shoi.

Tumayo ako ng tuwid at hinarap sila. Nginitian ko sila habang bakas pa rin ang pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Okay. Let's have a deal. Sasamahan niyo lang ako pero walang magrereklamo. Libre ko na ang lunch ninyo mamaya," sabi ko habang nakangiti.

Alam kong madali lang silang mauto. They want an easy life, so I'll give it to them. In fact, I just need their presence after all.

"May binabalak ka na naman, noh?" nagdadalawang-isip na tanong ni Shoi.

"Wala," mabilis kong sagot. Tiningnan nila ako ng seryoso.

"Fine. Sasabihin ko na kung bakit ko kayo sinama ulit dito. I promised to Lhorr's mother na babantayan ko siya. Kaya hayan, sinusundan natin siya at hanggat maaari ay hindi niya tayo dapat na makita. Alam niyo naman sigurong mainit ang dugo niyan sa akin," paliwanang ko sa kanila.

"Ah! Kaya naman pala," tugon ni Khen.

"Kung sinabi mo kasi kaagad sa amin, edi sana hindi ka na manlilibre mamaya," pabirong sabi ni Tim. "Deal. Basta ang lunch namin sagot mo."

Tumango na lang ako bilang tugon. Kilala na rin nila si Lhorr. Alam din nila ang nangyari sa kaniya. Sinabi ko na ang lahat dahil ayaw pa rin nila akong tantanan ng mga tanong. Kahit papaano, may mga kasama akong tutulong sa akin kapag napahamak ulit si Lhorr.

Nakaupo kami ngayon malapit sa inuupuan na benches nila Lhorr. Sinisigurado kong hindi niya ako makikita. Pasulyap-sulyap ko siyang tinitingnan habang kausap ang kaniyang mga kaibigan.

"Alam niyo may napapansin na akong kanina pa nagbabantay sa atin," pabulong na sabi ng kaibigan nitong si Kately.

"Kinikilabutan na talaga ako. Parang palagi ka na lang sinusundan ng gulo, Lhorr, simula nang nakilala mo 'yang Jorge na 'yan," pabirong wika naman ni Joshy. "May balat ka yata sa puwet eh."

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan niya. He's funny. I saw Lhorr smiled, too. "Para kang baliw diyan, pare," sabi ni Khen nang makita niya akong napangiti.

"Hayaan mo na 'yan. Baka in love," biro ulit ni Shoi.

"Loko!" sabay batok ko sa kaniya.

Nakilala ko ang mga kaibigan ni Lhorr dahil na sa pagsasaliksik ko. Gusto ko lang malaman kung sino ang mga nakakasama niya. Ayaw ko lang na maulit ang nangyari sa kaniya.

"Guni-guni niyo lang ang mga 'yan. Baka dala lang 'yan ng mga gutom niyong dalawa. At tsaka baka hindi naman tayo ang sinusundan. Masyado lang tayong nag-a-assume sa mga bagay na dapat hindi," sabat ni Lhorr.

"Ano ba kayo? Kayo talaga! Tinatakot niyo na naman si Lhorr. Alam niyong kababalik niya lang," depensa naman ng kaibigan nitong lalaki, si Kristof.

Alam kong napapansin na nila ang pagbabantay ko sa bawat kilos ni Lhorr. Hindi ko rin naman kasi kaya siyang lapitan ng maayos. Natatakot ako dahil sa una at huli naming engkwentro.

Kinapa ko ang bracelet sa aking bulsa. Palagi ko 'tong dala dahil baka magkaroon ako ng chansa na maibalik ko ito sa kaniya ng personal.

"Gusto ko man ibalik 'to sa iyo, pero hindi ko alam kung papaano," nasabi ko sa sarili.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon