C27: Don't Trust a Friend

5 1 0
                                    

Chapter 27- DON'T TRUST A FRIEND

Lhorr's POV

Dalawang linggo nang hindi pumapasok si Wilb pagkatapos ng insidente na nangyari. It happened when he was abducted by a leader of a gang. He's still in comatose after a shot he got in the head. The doctor said it was a miracle that he's still alive. Yet he was in a serious' traumatic brain injury.

The two suspects were imprisoned while Whinston along with Jaycee was found dead. There were rumors circulating in the campus that I am the cause of the incident. It was a doubtful accusation for I have no any connection about the incident. No proof has been found to prove that I am guilty of the crime I am clueless about.

"Bakit naman ako magiging sangkot do'n? Magkasama kami ni Jorge buong maghapon nang nangyari ang insidente," singgit ko sa usapan nina Jhosy at Kately.

"Hayan kasi, sa sobrang ganda mo pinag-aagawan ka na. Hamakin mo kahit magpatayan pa sila," biro ni Jhosy.

"Hindi magandang biro 'yan, Jhosy," salungat ni Kately.

"Sorry na. Kayo naman. Pero ma-say ko lang, bakit hindi na nagpakita si Sandara after nang nangyari. Hindi kaya't―"

"Masama ang magbintang ng walang konkretong ebidensiya, Jhosy," sabat ko naman.

"Okay, fine," pagsuko niya. "Basta naniniwala akong may kinalaman din si Sandara sa nangyari. Nakaya niya ngang gawin sa'yo, Lhorr, sa iba pa kaya, tsk."

Mukhang may punto si Jhosy. Pero hindi ako dapat magbigay ng konklusyon kung walang sapat na basehan. Nalaman ko base sa imbestigasyon na sinusundan daw ako ng leader nila, si Whinston. Kilang-kilala ko siya dahil isa siya sa mga bully ng campus.

Siya raw ang lalaking nagbuhat sa akin no'ng nahimatay ako sa running event nakaraang Octoberfest. Wala akong kamalay-malay sa mga nangyari. Siguro ay kailangan ko nang mag-doble ingat lalong-lalo na kay Sandara. Hindi rin mawala ang kutob ko na may kinalaman siya sa nangyari. Baka tama nga talaga ang hinala ni Jhosy. Dalangin ko lang ay hindi sana.

Wala namang sapat na ebidensiya ang mga awtoridad para maisangkot si Sandara. Pero bakit siya nawawala kung wala naman siyang kinalaman? Nasaan na siya?

"Lhorr, Tara na?" Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Nakatayo si Jorge sa aking likod habang nakabaon ang kaniyang kamay sa dalawang bulsa ng kaniyang hoodie.

Mas naging magkalapit na magkaibigan kami ni Jorge simula ng lahat na nangyari sa buhay ko. Hindi nga pala talaga biro ang sinabi niyang liligawan niya ako. Pinanindigan niya ito.

Sa loob ng ilang linggo ay mas nagkamabutihan na rin kami. Hindi ko naman maitatanggi na mabait pala siya kapag naging malapit sa iyo. Pero may mga bagay pa rin na hindi kami nagkakasundo lalo na kung sa mga bagay na first time niya.

Beep!

D'FIVE GC

Jhosy: Nag-transfer na raw si Sandara ng ibang xkul?

Kristof: Oo nga kulit naman nito!

Kately: Anyare?

Lhorr: Kelan yan? Bakit? Dahil ba sa insidente?

Jhosy: Aba'y malay ko. Ako ba siya? Chariz! Xoxo.

Naging usapan namin sa group chat si Sandara. Habang patuloy na naglalakad kasama si Jorge ay walang awat ang kuwentuhan naming apat. Bunsod sa nangyari mukhang mas naging sentro ako nang mga mata. Alam nang karamihan na may hindi kami magandang relasyon ni Sandara. Marami akong naririnig na pinagbibintangan nilang kasabwat si Sandara sa nangyari. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita sa university. Ngunit wala namang katunayan ang lahat.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon