C3: Last Move

59 9 0
                                    

Chapter 3: LAST MOVE

Wilb's POV

I might hurt her in the past, but she's still the person I wish for, in the present.

Isa ako sa mga taga-hanga ni Lhorr simula pa no'ng high school kami. Ngunit hindi ko alam kung paano ko ulit sasabihin sa kaniya na siya pa rin ang laman ng puso ko.

I may be a coward, but I will still look for the great opportunity to talk to her. I would like her to know how much I still love her. If I was given a chance to talk to her again, I would grab that little fortuitous without any doubts. I won't mind if it takes only few seconds to be noticed by her.

Iisang paaralan lang kami no'ng high school kaya kilalang-kilala ko siya. Pero nasa star section siya noon napabilang habang nasa 11th section naman ako.

Shall I call myself a dumb or stupid for being part of the lower section? I think I am dumbed but not stupid for being part of a bewildered class. I do have talents in any fields but not academically gifted.

Ilang beses ko na ring sinusundan si Lhorr kahit saan s'ya magpunta. Shall I consider myself as a stalker by then? Possibly, I am, but not obsessively stalking her as others did. Naghahanap lang ako ng tyempo to tell her how much I felt sorry for what I've done.

Kilala niya ako noon pa man, but now I became a stranger on her eyes. I saw Lhorr in the hallway of the Engineering building, standing near its entryway. I don't know what she's doing there, but it seems that she's waiting for someone.

Mayamaya ay lumapit ito sa isang lalaki. Hinarang niya ang kaniyang paa sa harap nito. Nasaksihan ko kung paano muntikang matumba ang lalaki sa ginawa ni Lhorr.

Nakita ko sa mata ng lalaki na nabigla siya sa hindi inaasahang nangyari. Mukhang hindi maganda ang naging timpla ng reaksiyon ng lalaki. Alam kong may balak na gawin din ang lalaki kay Lhorr.

Hindi na nga ako nagkamali. Muntikan nang magdikit ang kanilang mga mukha dahilan para makaramdam ako ng kaunting selos at inggit.

Hindi ko kailanman naranasan ang makaharap si Lhorr nang gano'n kalapit. Hanggang isang metro lang ang layo ng agwat ang mayroon kami― noon. Pero sa lalaking kaharap niya, hindi na sukat ng daliri ko ang agwat ng mukha nila.

Mukhang nagtatalo ang dalawa nang walang halong sigawan. Nabigla lang ako nang napalayo ang lalaki sa mukha ni Lhorr. Biglang nagtawanan ang mga kasama nito sa kaniyang sinabi.

Napatakip din ito ng ilong at dumistansiya ng ilang metro kay Lhorr. Gusto kong ipagtanggol si Lhorr kaya lang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nagpatuloy lang ako sa panonood sa malayo.

Mabilis na tumakbo si Lhorr palabas ng building. Alam ko na napuno siya ng hiya dahil sa nangyari. Imbes kasi na siya ang gumanti ay parang siya ang napuruhan pa.

It's a wrong move for her.

Sinundan na lang ng mga mata ko ang paglayo ni Lhorr hanggang sa maglaho ito. Gusto ko man siyang lapitan ngunit nauunahan pa rin ako ng kaba. Hindi ko alam dahil baka hindi pa ako nagsasalita ay na-reject niya lang ako― kagaya ng dati.

Jorge's POV

Nakaramdam ako ng konsensiya sa nagawa ko kay Ms. Sungit. Ayaw ko sana siyang patulan ngunit mukhang hinahamon pa rin niya ako. Sinubukan ko na talaga siyang iwasan sa tuwing nakikita kong magkakasalubong kami. Ayaw ko na nang gulo dahil parang teleserye rin ang eksena ng una naming pagkikita.

Ako na ang lumalayo pero siya pa rin itong habol nang habol. Hindi ko lang talaga alam kong ganito na talaga ako ka guwapo para habulin niya.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon