C26: Self-Defense

14 2 0
                                    

Chapter 26 - SELF-DEFENSE

Sandara's POV

"Hoy, babae! Gising!" Nagising ako sa isang malakas na sigaw.

Mas naging gising ang diwa ko nang binuhusan ako ng malamig na tubig sa katawan. Susuntukin ko na sana ang lalaking nasa harap ko, nang mahimasmasan ako, nakatali pala ang mga kamay ko.

"What the fuck!" mura ko. Hanggang sa paggising ko ba naman ay nakatali pa rin pala ako. "Humanda ka sa akin! Susunugin ko talaga 'yang anit mo!" pagbabanta ko sa lalaki.

Nang dahil sa panaginip ko ay bumalik ang isang alaala na pilit kong ibinabaon sa limot. Ramdam ko pa rin kung gaano kasakit ang ginawa ng mga taong iyon sa akin. Bakat pa rin ang pasa sa aking dibdib dahil sa paghampas nila ng isang matigas na bagay. Gustong-gusto kong tumakas noong gabing iyon. Pero nawalan ako ng lakas nang tuluyan na nilang pinagsamantalahan ang aking kahinaan.

Pagkatapos ng gabing 'yon, hindi ko na alam kung paano ko pa pagkakatiwalaan ang mga lalaki. Iyon talaga ang puno't dulo kung bakit galit na galit ako kay Lhorr. Nang malaman ko ang relasyon nila ni Wilb at Lhorr, pumunta ako sa isang bar. Nilublob ko ang aking sarili sa alak. Hindi na rin alam ang sunod na mga ginawa ko.

Namalayan ko na lang ang sarili kong kaharap ang apat na mga lalaki. Hindi ko sila namukhaan dala ng hilo mula sa alak. Ramdam ko ang sakit ng kanilang ginagawa sa akin. Pinilit kung pigilan sila pero mahina ang katawan ko.

Nagising na lang akong masakit ang buo kong katawan. Wala na rin akong suot pantaas at pambaba. Kinamumuhian ko si Lhorr. Siya ang dahilan kung bakit ako pinagsamantalahan ng mga lalaking iyon. Wala kong ibang sisisihin kundi si Lhorr. Ginamit ko siya bilang kaibigan. Kailangan kong magkunwari na ayos sa akin ang lahat. Hanggang sa nakahanap ako ng paraan kung paano ko siya magagantihan.

Nag-utos ako na pasundan siya isang araw. Alam kung malalim ang isip niya. Pero nabigo ang plano ko nang iligtas siya ni Wilb. Kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikitang magdusa.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Nabaling ang aking tingin sa lalaking kanina pa nakatayo sa harap ko.

"It's none of your business, faggot."

"None of my business pala ha!"

"Ahh!" Napadaing ako. Ramdam ko ang sakit ng sikmurahan niya ako.

"Bagay sa'yo 'yan," maangas na sabi niya.

Napatigil ang lalaki nang biglang may pumasok na isa ring lalaki. Hindi na ako nagtaka dahil kaagad kong nakilala siya. Hindi ko inakala na magagawa niya 'to sa 'kin pagkatapos kong makipagsabwatan sa kaniya nakaraang Oktoberfest.

"Bakit mo 'to ginagawa sa akin, Whinston?!" tanong ko. "Hibang ka ba! Magkakampi tayo! Wala akong kasalanan sa'yo!"

"Marami kang nagawang kasalanan, Sandara. Isa sa pinakamalaking pagkakamali mo ay nang ipinadukot mo si Lhorr," sabi niya, halo ang galit sa kaniyang boses. "Ang sabi ko, tulungan mo akong maging malapit sa kaniya. At ilayo ang lalaking panay buntot kay Lhorr. Pero nalaman kong gumaganti ka lang pala sa kaniya. At mali ka doon ng kinalaban, Sandara!"

Oo nga pala, nakalimutang kong patay na patay siya kay Lhorr. Pero torpe ang halimaw kaya ayaw magpakilala. Kaya nang nalaman ko ang tungkol do'n ay nakipagsabwatan lang naman ako sa kaniya. Ipinainom ko ng pampahilo si Lhorr bago ang last game namin. Nanalo pa rin naman siya pero naging effective naman ang gamot pagkatapos ng laro. Si Whinston ang nagbuhat sa kaniya papunta sa clinic.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon