Chapter 16 - THE PRETENDER
Lhorr's POV
"Baka nga wala na talaga 'yon," naghihinayang kong sabi.
"Ano 'yong nawawala, Lhorr?" napatanong ni Kately. Napalakas siguro ang sinabi ko kaya narinig ito ni Kately.
"Ah, 'yong bracelet ko kasi nawawala," walang sigla kong sagot. "Iyong sinabi ko sa inyo na may sentimental value. Ibinigay kasi 'yon ng childhood friend ko sa probinsya," dagdag ko.
"Hindi mo pa ba nahanap? Saan mo ba kasi inilagay? O baka nahulog mo lang, Lhorr, sa kung saan lang," usyuso naman ni Kristoff.
"Sabihin mo, baka may nagtago at ayaw ng ibalik sa'yo, Lhorr," gatong naman ni Joshy.
"Baka nga!" sabay naman na sabi ng dalawa, parang sumasang-ayon sa sinabi ni Joshy.
"Hindi naman siguro―"
"Hi, Lhorr!"
Napalingon kaming apat nang makita ang pagdating ni Sandara na abot langit ang ngiti. Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng ikinikilos niya. Hindi naman siya gano'n sa t'wing nagkikita kami. Parang may masaya siyang balita na gustong sabihin sa amin.
Halos mag-iisang buwan na rin kaming hindi nagkikita ni Sandara. Ngayon na lang ulit kami nag-krus ang landas namin pagkatapos ng nangyari sa akin. Nang nakabalik din ako, hindi pa kami nagkikita at ngayon na lang ulit.
I admit I missed her. After what happened to me, the chairman in the running event suggested withdrawing my spot for the upcoming Regional Sports event. I was informed that the participant who replaced me was Sandara. I wasn't able to complain for I know it's for my own good. I am happy that Sandara will represent our campus knowing she had a great experience in running.
Hindi kasi naging maganda ang huli naming pagsasama ni Sandara. Kaya ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin nang dumating siya. Napayuko na lang ako. Ngunit laking gulat ko nang tawagin niya ulit ang aking pangalan.
"Hi, Lhorr. Bakit hindi mo'ko pinapansin? Kumusta ka na?" masigla niyang bati.
"A-ah, ayos lang naman ako. Ikaw, kumusta?"
"I'm doing fantastic, Lhorr. Don't mind me. Alam mo naman noon pa na kaya ko na ang sarili ko kahit wala ka. I mean, we are older now at alam na nating magdesisyon mag-isa."
"Mabuti naman kung gano'n. I'm happy to see you enjoying life," naging sagot ko lang.
"Anyway, kaya kita hinahanap kasi may ibibigay ako sa'yo."
"Huh?" nagtataka kong tanong. "Bakit naman? Ano naman 'yon?" pagtatanong ko pa.
Nagtataka lang ako dahil hindi naman siya mahilig magbigay ng mga kung anu-ano. Kilala ko na si Sandara simula pa noon kaya parang may kakaiba sa kaniya ngayon.
"Guess what?"
"Hay naku, Sandara. Ang dami mo pang pasikot-sikot. Daig mo pa ang mga marites sa kalsada sa dami ng pasakalye," inip na sabi ni Joshy.
"Ikaw talaga, Joshy, kahit kailan epal ka talaga," agad na sagot ni Sandara.
Alam namin na magaling siya sa lahat ng bagay ngunit ang pinaka-ayaw namin sa kaniya ay ang kaniyang ugali. Hindi nila iyon itinatago sa akin. Iba kasi makitungo si Sandara sa kanila ni Joshy, Kately, at Kristoff. Kaya kung kasama namin siya hindi masyadong masalita sina Kately at Kristoff maliban lang kay Joshy. Kahit saan mo kasi dalhin si Joshy talagang may masasabi.
Habang tumatagal na dumarami ang taga-hanga ni Sandara ay kasabay din ng biglaang paglaki ng ulo niya. Napapansin ko na 'yon noon pa. Ngunit hindi ko na lang masyadong binibigyang pansin dahil kaibigan ko si Sandara. Malaki ang papel niya sa buhay ko lalo na noong grade school.
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Teen FictionJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...