C20: The Detective Way

21 2 0
                                    

Chapter 20 - THE DETECTIVE WAY

Jorge's POV

"Damn!" I cussed after experiencing a headache, due to the volume of liquor I drank last night. Pero sa kabila ng hangover, kaagad akong nag-asikaso para pumasok sa first class ko.

Next week will be a hell week for everyone. The final exam is waving at us. With no reason, Lhorr's face appeared on my mind. I suddenly remembered how I bumped her yesterday. Hindi na naman maganda ang pagkikita namin ulit, pagkatapos ng isang buwan. Sa kabila no'n, hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang napag-usapan nina Sandara, Tim, Khen, at Shoi. Kailangan ni Lhorr na mag-ingat sa kanila lalong-lalo na kay Sandara.

It's already nine in the morning nang makarating ako ng university. Marami na ring estudyante ang labas-pasok sa gate. Nakuha kaagad ng atensiyon ko si Lhorr habang papasok ng campus. After what happened, she's still in her natural physique and alluring aura. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari.

Naghanap na ako ng pwede kong pag-parking-an. Mabuti na lang at walang umagaw sa parking space ng sasakyan ko. Nang makalabas ng sasakyan ay hindi ko inaasahan ang taong naghihintay sa akin. She welcomed me by her grinning smile. Nakatayo si Sandara sa harap na para bang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. Walang pag-aatubili niyang iniabot sa akin ang isang piraso ng papel.

"Ano naman ang kailangan mo?" seryoso kong tanong.

She crossed her arms. "Just take it and you'll know," sagot niya.

Kinuha ko ang papel na iniabot niya. Pagkabuklat ko ay nakita ko ang nakasulat na numero. Nahalata niya siguro ang pagtataka sa aking mukha kaya kaagad siyang nagsalita.

"That's my number, Jorge. If you need my help I am willing to offer my service. I know at this point, you already have feelings to Lhorr. Am I right?" sabi niya, may ngiti sa mga labi. "Huwag mo nang i-deny pa, Jorge, dahil masyado namang obvious."

"Ano namang pakialam mo kung mayroon nga akong nararamdaman kay Lhorr? At bakit ko naman kakailanganin ang tulong mo? In fact, ikaw dapat ang mangangailangan ng tulong ko," deretsa kong sabi.

I crumpled the paper she gave me and throw it on the ground. Tinalikuran ko siya pero kaagad akong tumigil nang marinig ko ang huli niyang sinabi.

"Alam kong narinig mo ang pinag-usapan namin ng mga kaibigan mo. At alam kong gusto mong sabihin kay Lhorr ang binabalak ko, Jorge." I can feel her aura changed. "If you want to see her alive, then you should accept my offer."

Dala ng galit, matapang ko siyang hinarap. Dahan-dahan ko siyang nilapitan na walang ibang reaksiyon sa aking mukha. Nang makalapit ako sa kaniya ay inilapit ko ang aking mukha. Huminto akong ilapit ang aking mukha nang kapantay sa kaniyang tainga. Naramdaman ko naman na nagulat siya.

"Kung mahal mo talaga ang buhay mo, Sandara, you'll stop that nonsense plan of yours," I whispered. "Kapag nalaman ko lang na may ginawa kang masama kay Lhorr... I'll see you in hell," pagbabanta ko pa.

Hindi ko inaasahan na papatol ulit ako sa babae lalong-lalo na kay Sandara. I became her fan since then but it looks like I am idolizing an evil. She's not the Sandara I am thinking before. Despite her angelus face, the devil is hiding inside.

"Deal!" tugon niya na parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.

She's evidently different from any other girls I met before. I can't simply play a verbal trick to her. Pero hindi ako magdadalawang-isip na patulan siya kung may gagawin siyang masama kay Lhorr.

"Gugustuhin mo na lang bang mapunta ulit si Lhorr kay Wilb, Jorge? Gano'n ba ang gusto mong mangyari kaya ayaw mong tanggapin ang alok ko sa 'yo? Para ipaliwanag ko sa 'yo ng mabuti, Jorge, si Wilb at Lhorr ay may dating ugnayan at hindi malabong magkabalikan sila."

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon