Chapter 25 - SWEET KARMA
Jorge POV
"Ilibre mo ako mamaya pagbalik natin ng campus, ha!" sabi niya, habang hinihintay ang kaniyang cedula.
Tumango na lang ako. Alam ko naman na mahilig kumain si Lhorr. Kaya naaaliw ako sa kaniya sa tuwing nagpa-puppy face siya sa harap ko. Para kasi siyang tuta na humihingi ng pagkain sa kaniyang amo. Hindi ko talaga inasahan na darating ang araw na magiging mabuti ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kaya sobrang saya ko na naging magkaibigan na rin kami sa wakas.
Nang makabalik sa campus ay nagpaalam din siya. May last class pa siya na dapat daluhan kaya hindi na siya nagpalibre. Kaya naisipan kong tuparin ang treat na iyon ngayon sa paraang naiisip ko. Si Tim kaagad ang naisip ko na tutulong sa akin. Siya ang magiging tulay ko para magpadala ng mensahe kay Lhorr.
Nalaman ko na mahilig si Lhorr sa pag-so-solve ng mga codes online. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na magpatulong kay Tim. Mabuti na lang at may parehong interes sa laro si Tim at Lhorr. Mahilig din maglaro ng nauusong Crack the Code application si Tim. Hindi ko nga alam kung bakit nahiligan niya iyon, kasi para sa akin ay sobrang hirap ng larong 'yon. Lumayo na rin si Tim sa kanila ni Shoi at Khen nang malaman niyang itinuloy nila ang plano. Kaya si Tim na lang ang natitira kong maaasahang kaibigan.
Siguro totoo nga ang sabi nila, makikilala mo lang ang tunay mong kaibigan kung pareho kayong may paninimdigan. Sa sitwasyon nila Shoi at Khen, sa maling paninindigan sila nanindigan. Humingi sila ng tawad, ngunit huli na para ibalik ko ang tiwala na buong-buo kong ibinigay sa kanila.
I saw Tim approaching into my direction. He holds a cup of milktea bought somewhere inside the campus. She greeted me with a wide smile that seems winning a jackpot in lotto. "I need your help," I said, without hesitation.
"Ano pa ba ang magagawa ko. Ako lang naman ang mapag-uutusan mo 'di ba?" nakangiti niyang sabi.
"Alam ko namang susundin mo rin dahil may kapalit," sagot ko.
"Dali na. Ano ba 'yon?"
"Gusto kong gumawa ka ng code na may mensahe at ibigay mo kay Lhorr," paliwanag ko.
"Huh? Nahihibang ka ba, Jorge? Mukhang may masamang espirito yata na sumanib sa iyo. Anlakas kasi ng amats mo eh!" biro nito.
"I'm deadly serious, Tim." I stared at him without a glimpse of blinking my eyes. He should not take into joke what I've said. Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako.
"Chillax, Jporge. Mukha ka diyang timang. Nagbibiro lang ako. Bakit mo nga ba pahihirapan pa si Lhorr kung pwede mo naman isulat o i-message na'Uy, Lhorr, dali date tayo'"
"Idiot."
He laughed loudly again. Kinuha ko na lang ang papel sa bag ko. Agad kong isinulat ang mensahe na gusto kong iparating kay Lhorr. Iniabot ko ito kay Tim.
"What's this?"
"A paper. Mukha yatang ikaw 'tong timang. I wrote the message there. 'Yan ang gagawan mo ng code, maliwanag?"
"Opo, master. Ang dami mong alam. Ako nang bahala dito," pagsunod naman niya.
"Good. I'll pay you, no worries."
"Hindi ko 'yan sinabi. Since sa bibig mo na rin nanggaling, pang-trip to Korea lang naman gusto ko this one week break after the exam."
"Deal. Basta h'wag ka nang babalik."
![](https://img.wattpad.com/cover/223466135-288-k799817.jpg)
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Teen FictionJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...