C4: Silly Idea

54 9 0
                                    

Chapter 4: SILLY IDEA

Wilb's POV

Nakita ko si Lhorr na papunta sa cafeteria. Agad itong pumila sa cashier pagkatapos nitong kumuha ng kaniyang makakain. It's already one o'clock in the afternoon at mukhang ngayon pa lang siya magta-tanghalian.

Nakapila lang siya sa cashier para yata magbayad. Ngunit mabagal ang pagtitipa ng chasier na nakatoka rito kaya usad pagong ang pila. I don't want Lhorr to see me right now. Kaya mablis akong napataklob ng aking ulo. I am still hiding to her the last time we saw each other. Mukha talaga siyang napagod sa training nila.

Nang nakaupo na ako natatanaw ko pa rin si Lhorr. Ilang minuto pa ang nagtagal bago siya nakapagbayad ng kaniyang pagkain. Mabilis siyang nagpunta sa labas ng cafeteria upang makahanap ng mauupunan, sapagka't puno ang cafeteria sa oras na ito.

Pinagmamasdan ko lang siyang umiikot habang hawak ang trey ng kaniyang pagkain. Parang naghahanap siya ng mauupuan; habang ako rito ay nakatayo sa harap ng freezer. Siguro bibili na lang ako ng ice cream para panghimagas ko.

Mayamaya sa kaniyang paglilibot dala ang trey ng kaniyang pagkain, nakita niya ang isang lalaki na tumayo sa isang mesa. Ngunit ang kasama nito ay naiwan at patuloy sa pagsubo ng kinakain. A familiar face in the table is busy eating his foods. Wala nang nagawa si Lhorr kundi lumapit sa iisang espasyo sa loob ng cafeteria. At sa unti-unti nitong paglapit ay alam kong kilala niya na ito.

Maraming nangyari bago pa man magsimulang kumain si Lhorr. Nabalot ng katahimikan ang lamesa sa pagitan ng dalawa pagkatapos ng kaunting diskusyon. Pasulyap-sulyap na tinitingnan ni Lhorr ang lalaki na abala sa kaniyang kinakain.

Pagkatapos ng lalaking kaharap ni Lhorr kumain ay agad itong tumayo. Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Bigla na lamang itong nabilaukan ng 'di inaasahan.

Lhorr's POV

"Let's have a break, girls. Be back at two p.m."

"Yes!"

"Thanks, coach!"

Sabay-sabay kaming nagpaalam kay coach pagkatapos ng training. Wala na akong ibang inisip kundi ang dumeretso na kaagad sa cafeteria. Nagrereklamo na rin ang tiyan ko kaya hindi na ako sumabay sa mga kasabayan ko kanina.

I looked at my watch. It's already one o'clock in the afternoon. At ngayon pa lang ako magta-tanghalian.

Tinola at isda at isang cup ng kanin ang in-order ko. Kumuha na rin ako ng isang bote ng softdrink. Agad akong pumila sa cashier pagkatapos kong kumuha ng aking makakain. Ngunit mabagal ang pagtitipa ng cashier na nakatoka rito sa till. Kaya sobrang mabagal ang usad ng pila.

Ilang minuto pa ang nagtagal bago ako nakapagbayad ng aking order. Mabilis akong nagtungo sa labas ng cafeteria upang makahanap ng mauupunan, dahil puno ang cafeteria sa oras na ito. The students arrived in great number at this time. Almost half of the students din kasi sa ganitong oras ang nag-o-occupy ng cafeteria.

Malawak naman itong cafeteria ng university. This is also exclusive for engineering students only. Ang lawak nito ay parang tatlong blocks na pinagdugtong. Ang isang bahagi ng block ay ang loob samantalang ang dalawang bahagi ay ang nakapwesto sa labas nito. Para sa mga gusto ng sariwang hangin ang kumakain-slash-tumatambay sa labas.

Patuloy lang ako sa paghahanap ng bakanteng mauupuan. Pero bigo pa rin ako. Anong oras kaya ako makakakain nito? Hindi ko alam dahil mukhang walang balak ang ibang estudyante na umalis.

"Teka! Nandito na naman ang mokong na 'to? Ano kaya ang ginagawa niya rito? Himala ngayon ko lang ulit siya nakita," natanong ko, nagtataka.

Simula nang nagsimula ang training hindi ko na siya inabala pa. Ayaw ko nang ubusin ang oras ko sa isang mokong lang. Wala rin naman akong mapapala kaya minabuti ko na lang mag-pokus. Naging abala na ako sa pag-e-ensayo para sa paparating na sports festival.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon