C36: Victims of Love

4 1 0
                                    

Chapter 36 - VICTIMS OF LOVE

Sandara's POV

"Anong mayro'n sa inyo ni Jorge?!" Usal ko nang makasalubong si Kately sa hallway, "Halika ka nga mag-usap tayo." Kasabay kong hinila si Kately papunta sa likod ng building.

"Ano ba, Sandara?! Pati ba naman ako pagkakainitan mo ng ulo?!" pagpupumiglas niya. "Bakit may gusto ka rin ba kay Jorge?"

"Oo!" agad kong sagot. "The fact na nakadikit ka sa kaniya, mas lalo akong naiirita na makita 'yang makapal mong pagmumukha!"

"Talaga bang ako ang may makapal na mukha kaysa sa'yo, Sandara? Mukhang naging baliktad yata ang sinabi mo."

Akmang sasampalin ko na sana siya nang may pumigil sa aking kamay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang galit na tumingin sa akin. I keep myself composed while trying to take my hand from him tightly holding my wrist.

"Subukan mong saktan si Kately at ako ang makakaharap mo," may pananakot niyang sabi.

"And who the hell you are? Why would I follow your command?" matapang kong sabi.

"Well, bruhilda na chaka, ako lang naman ang kaibigan mong alam ang lahat tungkol sa'yo. Kaya bago ko pa man ipagkalat ang lahat, puwede ka nang humakbang palayo." Pasalamat lang si Kately at dumating ang baklang ito. "Alis!"

Napapitik ako sa gulat nang sumigaw siya. Hindi na ako lumaban pa dahil mukhang mas malakas ang alas ni Jhosy kaysa sa akin. Siya lang naman ang traydor kong kaibigan. Pagkatapos kong isiwalat ang lahat sa kaniya ay iyon din pala ang gagamitin niya sa akin.

"Humanda ka sa akin, Kately, wala pa tayo sa kalagitnaan," pagbabanta ko sa kaniya bago tuluyang lumayo.

Hindi na ako pumasok sa mga next classes ko matapos ang nangyaring iyon. Mas napagdesisyunan kong umuwi sa bahay at magpahinga. Habang ako'y nasa higaan at nag-iisip ng malalim ay tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito na nakapatong sa tabi ng aking unan.

Ethan sent you a message.

From Ethan:

:Nasaan ka na?

Hindi ko namalayan na malapit na palang mag-gabi. Sumang-ayon kasi ako kay Ethan na makipagkita sa kaniya. Hindi na ako nag-atubili pa at nagbihis ng aking susuotin at saka umalis ng bahay. Patungo na ako sa lugar kung saan kami magkikita.

"Hindi ko na 'yan kaya, Ethan," pagtanggi ko sa binabalak niyang plano.

"Okay. I'll give you two options: I will kill your family if you don't agree to my plan or one million for this job?"

Hindi na ako nakapang-hindi kaya sumang-ayon na lamang ako ulit sa alok niya. I have to continue what I've been started. I have to do this for the sake of my family. Akmang aalis na sana siya pagkatapos niyang ilatag ang kaniyang plano ngunit pinigilan ko siya.

"Wait, Ethan. C-Can I ask a favor?"

Humarap siya ulit sa akin. "What?"

"I want you to help me... again," deretsa kong sabi. "Ayaw kong may asungot na umaaligid sa mga planong it. Kaya kung maaari ikaw na ang bahala sa kaniya."

"That's interesting, Sandara. If that's the case, it's my pleasure to help you."

Agad ko namang sinabi ang gusto kong mangyari . Hindi ko naman naaninag ang bakas ng hindi pagsang-ayon sa kaniyang mga mata. Hinayaan ko na lamang siyang umalis pagkatapos nang pag-uusap namin.

"Sorry, but I need to eliminate you from the group," buntong-hininga kong sabi.

Jorge's POV

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nangangapa sa hustisya para kay Zenn. Nararamdaman ko na ang nalalapit na paghanap ng sagot mula sa aking mga katanungan. Ilang buwan na rin ang nakakaraan at hindi na kami nag-usap ni Lhorr. Masyadong mapait ang tadhana para sa amin. Para sa kaligtasan ni Lhorr, sumang-ayon ako kay Ethan. Hahahanap din ako kaagad ng paraan kung paano ko siya ulit makukuha. Kaya minabuti ko na lang pansamantala na ibaling ang aking atensyon sa ibang bagay.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon