Chapter 33 - WALK WITH PRIDE
Jhosy's POV
"Nasasaktan na natin siya. Itigil na natin 'to," sabi ni Kately.
"Hindi puwede!" ma-awtordidad na sagot ni Jorge.
Naloloka na ako sa nangyayari sa aming lima. Akala ko ba naman sabay-sabay kaming magtatapos bilang squad. Pero mukhang nagbago ang lahat dahil sa 'di pagkakaintindihan sa pagitan nina Lhorr, Sandara, at Kately. Nagkaroon ng malaking hidwaan sina Sandara at Lhorr nang dumating si Jorge. Ngayon naman ang pag-aaway ni Kately at Lhorr dahil sa akin.
Ako ang nagpumilit kay Kately na tulungan si Jorge sa kaniyang binabalak. Akala ko naman isang successful plan ang lahat, pero mukhang naging palpak ito. Hindi tuloy ngayon naging maganda ang resulta.
Good timing talaga si Kately. Hinayaan niya munang umalis si Lhorr para mapag-usapan namin siya. "Ano?!" napataas ang boses ko sa aking narinig.
"Yes, Jhosy. I have to tell Lhorr about this plan. Ayaw ko na, Joshy. Naiipit na ako," naiiyak na sabi ni Kately.
"Wait... Kumalma ka muna, Kately. Please, h'wag naman muna. Hindi pa nagtatagumpay si Jorge."
"Ipapahamak pa ba natin si Lhorr bago natin sabihin ang lahat sa kaniya?"
"H-Hindi naman sa gano'n. Sana maintindihan mo naman Kately na kailangan nating tulungan si Jorge. Besides, we also need his help."
"Sorry, Jhosy. I really wanted to tell her everything."
Akmang lalayo na si Kately ngunit napatigil ito sa kaniyang narinig. Sabay kaming napalingon sa nagsalita. His aura seemed annoyed to what's the commotion between me and Kately.
"Wala ka bang utang na loob?" sabi ni Jorge.
"Sorry, Jorge... pero kasi... kaibigan ko rin si Lhorr. Hindi ko naman hahayaan masaktan siya dahil lang sa ganito," sagot ni Kately, ramdam ko ang takot sa boses niya.
"Tandaan mo, Kately, na si Jorge ang dahilan kung bakit nailabas ang nanay mo sa ospital. Hindi ka ba nag-iisip? Kung hindi dahil sa kaniya baka pinaglalamayan mo na siya ngayon."
Plak!
She slapped me. I didn't think of the words I thrown to her. It was too much for me to say that. I hurt Kately of my careless thoughts. Gusto ko lang naman sana siyang pilitin na huwag munang sumuko na tulungan si Jorge.
"Hindi ko alam kung hanggang saan ko babayaran ang utang na loob ko kay Jorge, Jhosy. Pero babayaran ko rin naman ang lahat ng ginastos niya kay mama." Ramdam kong nasaktan ko nga ang kaibigan ko. It wasn't my intention.
"Hindi mo naman mababayaran ngayon 'di ba?" singgit ni Jorge.
"O-Oo."
"Good. Kaya dapat kang makisabay sa plano or else..."
Hindi na natuloy ni Jorge ang kaniyang sasabihin at agad na nilagpasan si Kately. Napabuntong-hininga ako sa nangyari. I know that this is unjust for Lhorr that we're playing of her. For sure, she will get mad if ever she knew about this. If I only have a chance to refuse Jorge just like Kately... I'll do it, pero hindi pa ngayon. Wala akong mahihingian ng tulong maliban kay Jorge simula nang lumayas ako sa amin.
"I am over with this, Jhosy. Hindi ko na kayang magtagal sa barkadang ito."
Umalis na rin si Kately. Hindi ko na siya nagawang pigilan. Naiwan kaming dalawa ni Martin. Hindi ko na alam ang pinasok kong ito. Simula nang lumayas ako sa bahay, naging magulo na rin ang buhay ko. Mabuti na lamang at walang Sandara ang sumisira sa lahat ng plano namin.
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Novela JuvenilJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...