C47: The Way He Loved Me

4 1 0
                                    

Chapter 47 - THE WAY HE LOVED ME

Lhorr's POV

"L-lhorr? Bakit parang balisa 'yong boses mo? May nangyari ba diyan? Nasaan si Nay Binda?"

"Ahh... Ehh... natutulog na kasi kanina pa si Nay Belinda. Napagod na kahihintay sa 'yo," palusot ko.

"Gano'n ba? Sige, magpahinga ka na rin, Lhorr. Mahaba pa ang byahe natin bukas," anito.

"B-Bakit saan naman tayo pupunta?"

"Nalaman na ni Ethan kung nasaan tayo, Lhorr. Kaya dapat na kayong mag-impake diyan. Kay ako tumawag. Susunduin ko na lang kayo bukas."

"B-bakit bukas?"

"Pinag-overtime kasi kami dito sa trabaho. Alam mo naman, mahirap maging guwapong engineer, 'di ba?"

Alam kong nagsisinunggaling lang sa akin si Jorge. Alam kong isa siyang kargador sa pyer. Hindi ko na 'to tinanong kung bakit nagsisinungngaling siya sa akin. Sapat na 'tong patunay na baka naglihim siya. Siguro inililihim niya rin sa akin na siya talaga ang rason sa pagpatay sa pamilya ko.

"Sige, mag-iingat ka," sabi ko bago ibinaba ang telepono.

Matalim ang mga tingin sa akin ni Ethan. Mukhang nagtatanong siya sa kaniyang isip kung ano ang pinag-usapan namin ni Jorge. Pero, mukhang wala naman siyang pakialam sa pinag-usapan namin.

"Nice, hon. Akala ko naman ay isusumbong mo na ang lahat."

"Hindi ko gagawin 'yon," tugon ko. "Pagbabayaran pa ni Jorge ang ginawa niya sa pamilya ko!" Naramdaman ko ang galit sa aking puso. Sobra na talaga niya akong pinaglalaruan. Sapat na ang pagiging bulag ko sa mga nangyayari.

"That's my Lhorr. Dapat buhay din ang kabayaran para sa mga nawala."

Hindi ko na siya pinansin at hinayaang magsalita ng walang nakikinig. I'm too full to handle those things. I am pre-occupied of what is happening in me. I want to seek for revenge.

"I hate the way you loved me, Jorge. I hate you!"

Jorge's POV

Nakaramdam ako ng may masakit sa aking katawan. Nag-aalsa kami ng mga banyera ng isda dito sa pyer. Mabuti na lamang at tinanggap nila ako rito. Inilihim ko ang trabahong ito kay Lhorr. Ang alam niya ay hindi pa ako nag-resign sa aking trabaho. What she knew is I am still a lawyer. Kaya tanging si Nay Binda lang ang nakakaalam.

Ayaw ko ng mag-alala siya at pilitin ang sarili niyang magtrabaho rin. Kaya ko naman buhayin sila at gagawin ko ito kahit hindi ko alam. I have realized that experience and reflection will be my great teacher. I was challenged by the circumstances, yet I am ready to fight its surge.

"Boys, magtipon muna kayo!" tawag sa amin ni boss.

Sinabi niyang may dadaong pa na isang fishing boat mamayang madaling araw, kaya kung mabuti ay magpalipas muna kami ng gabi. Hindi na ako nakatanggi dahil saying din ang dagdag sa sweldo.

Kailangan ko ang pera ngayon. Hindi ko kasi akalain na na-hold ni mommy ang mga account ko sa banko. Kontrolado pa rin pala niya ako hanggang ngayon.

Why is she halting my life, if ever since she never became a mother to me? I don't know what the matter is. I gathered confidence to call her. I asked her about it but she only told me I need to learn a lesson.

I don't get it. I was in deep excavation of queries. I also contacted Dad. However, the line is busy right now. Maybe, he has an important meeting to attend. Hindi ko na kasi sila madalas makausap. Ngayon lang ako naglakas ng loob para kausapin sila.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon