C45: Broken Promise

2 1 0
                                    

Chapter 45 – BROKEN PROMISE

Ethan's POV

Alam kong malapit ng lumabas sa lungga ang mga daga, kaya paghahandaan ko ang paglabas nila. Umaga akong umalis sa bahay at iniwan na nakatali si Sandara sa kwarto. Wala pa ring malay ang hinayupak.

After what she did to me, bakit ko pa siya papatakasin?

That night!

Ilang beses ko siyang sinuntok para manahimik at tumanda sa ginawa niya. She's ruining our plan and I won't allow it to happen. But, I need her alive for our grand celebration.

Hindi ako kayang isahan ni Jorge dahil alam kong mahina siya noon pa lang. Marunong siyang makibagay at makisama na siyang magiging kahinaan niya.

"Good morning to you, bati ko, nang makita ko siyang lumabas ng store.

Sinundan ko siya pagkaalis niya ng kanilang bahay and luckily nag-iisa lang siya. This is a perfect timing for a perfect plan.

"A-anong ginagawa mo rito, Ethan?"

"Hindi ka ba marunong mag-good morning muna? I thought it was the first thing being taught in school?"

"Para sa isang tulad mo? Hindi na."

I smiled. Palaban din pala siya.

"Good. Mukhang magiging madali sa akin ang mangyayari."

"A-anong binabalak mo?"

Agad ko siyang sinuntok sa tiyan dahilan upang mamilipit siya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para hilain siya papasok ng sasakyan. But before that nagpumilit siya makawala dahilan hamapasin ko siya. Nawalan ito ng malay,

Nagmadali akong nagmaneho at nagtungo sa isang lugar na malayo sa mga tao. Dinala ko siya sa likod ng campus kung saan walang makakaalam. Mabilis naman akong nakapasok ng idahilan kong may pupuntahan ako sa loob. Well, we are one of the stakeholders of this University after all.

Inilapag ko ang walang malay niyang katawan sa damuhan. Nandito kami sa likod ng Engineering Department building. It's nice to be back here in this University. Pero dapat bang maramdaman ko iyon? Hindi naman ako dito nag-aral.

"Good. Gising ka na rin sa wakas."

"N-Nasaan tayo?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't mas alam mo kung nasaan tayo?"

Nilibot niya ang kaniyang tingin at nakita ko sa kaniyang reaksyon ang pagkagulat.

She started to cry. It's looks like a drizzling water in the sky.

"Why are you crying? You don't have to worry because I won't kill you. Hindi naman ako gano'n kasama."

"Hindi naman ako umiiyak dahil do'n, eh."

"Then, why are you f*cking crying?"

"Bumalik ako dito sa Alma Mater namin. Syempre, magiging masaya ako."

"Are you making fun of me, Kately?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Nakakapikon din pala ang babaeng 'to. Wala na akong panahon para makipagbiruan sa kaniya. I need to do my plans in head. "Dederetsahin na kita, Kately. Kung ayaw mong masaktan sasagutin mo ang kaisa-isa kong tanong."

"Is it a Miss Universe type of question na dapat akong sumagot?"

"Or else baka gusto mong matagpuan ka na lang dito ng walang buhay?"

I saw the horror in her face. Mabuti na lang at natakot ko rin siya. "You can't take lives as you said."

"But, I already take one."

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon