C10: To the Rescue

36 5 0
                                    

CHAPTER 10: TO THE RESCUE

Jorge's POV

Now Playing: Kung Akin ang Mundo

Malakas kong ipinatugtog ang music sa sasakyan. Hindi ko alam kung nananadya nga ba ang panahon ngayon. I could literally relate to the music sang by Jem Macatuno. What a brilliant day to hear this in the middle of a whirlwind situation.

The strangest thoughts I have right now, is why I am still thinking to that acrimonious girl. In the middle of my driving, I felt something's not good tonight. Is it still the side effect of too much thinking to that girl? I'm sure, it's not.

Akala ko maaabutan ko siya sa kalsada, pero hindi na. If I only knew where she lived, I could've checked if she's at home. Siguro nga ay nakauwi na siya sa kanila.

"Tulong!"

Amidst the high volume of my car's music, I heard someone who seems shouting for help. Is it a hallucination? I don't know either. With my concern, I turned off the music currently playing in the car.

Looking at the outside of the car's window, I saw myself driving in the middle of a bush of tall grasses. Shall I disregard what I've heard? Or shall I go outside my car to know where's that voice is coming from?

In the vast options I had, the voice was heard again... clearly, the first time I heard it. Hindi nga ako nagkamali at mayroon nga talagang humihingi ng tulong. Nagmamadali kong itinabi ang sasakyan at mabilis na lumabas dito. Mas naging klaro na ang sigaw ng babae na humihingi ng tulong.

Tinahak ko ang isang masukal na talahiban kung saan nanggagaling ang boses. Doon ko nakita ang isang babae na pinagtutulungan ng isang grupo ng kalalakihan. Hindi na ako nagdalawang-isip lapitan sila para awatin sa kanilang binabalak sa babae.

"Mga boss, babae 'yang pinagtutulungan ninyo," pag-aawat ko sa kanila. Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata nang lumingon sila sa akin.

"Labas ka na dito, pare. Kung ako sa'yo lumayo ka na at baka madamay ka pa rito," sabi ng isang naka-asul na lalaki sa akin, puno ng tattoo sa braso.

"Sandali lang, mga boss. Puwede naman siguro na pag-usapan natin 'to. Kasi isang babae 'yang pinagtutulungan ninyo. Syempre, wala namang kalaban-laban ang isang babae kumpara sa inyo," sabi ko, pinipigilan kumawala ang kamao ko sa kanila.

"Bingi ka ba, bata?! 'Di ba ang sabi namin ay umalis ka na rito. Kawawa ka lang sa amin, payatot!" sagot naman ng lalaking naka-leather jacket at may mahaba ang buhok.

Napalingon ako sa direksiyon ng babae. Nakayuko siya sa akin pero ramdam kong takot na takot siya.

Napangiti ako sa kanila. "Nagpapatawa po ba kayo? Kung ayaw kong umalis, ano bang gagawin ninyo? Ako ba ang pagsasamantalahan ninyo?" biro kong sabi. Wala na akong naisip na sasabihin. Basta ang alam ko ay matulungan ko ang babae sa binabalak nila.

Nagkatinginan sila. "Pare, niloloko yata tayo ng batang 'to ha. Upakan na kaya natin para matahimik?" dinig kong bulong ng isa pa nilang kasama.

"Oh, c'mon! I'm ready!" sabi ko para mas maagaw ang atensiyon nila.

"Ayaw mo talagang umalis, payatot? Kung 'yan ang gusto mo pwes ay ibibigay namin sa'yo!" seryosong sabi ng kanilang lider.

Kumaripas sa paglapit sa akin ang isang lalaki sa 'kin. Mabilis akong nakailag nang akmang susuntukin niya ako.

Pinagtulungan ako ng tatlong lalaki na tumangay sa babae kanina. Nasa akin na nga ang atensiyon nilang tatlo. Umiilag ako sa bawat paglapit ng kanilang kamao sa akin. Ngunit hindi ko naiiwasan ang ilang tadyak at suntok na tumama sa aking katawan.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon