C31: Her Genuine Confidant

10 1 0
                                    

Chapter 31 - HER GENUINE CONFIDANT

Lhorr's POV

"I went in the library to borrow these books," sabay pakita niya ng kaniyang cellphone kung anong libro ang tinutukoy niya. "Kaso hindi daw naka duty 'yong librarian ngayon. And I just saw you here crying, kaya lumapit na ako," paliwanag niya.

Pinakalma ko ulit ang aking sarili bago muling sumagot. "G-gano'n ba," walang tono kong wika.

"Let me guess who the reason of that tears. It's Jorge," deretsa niyang sabi.

Tumango ako.

"Lhorr, alam ko kung gaano mo siya kinaiinisan no'ng una pa lang. This is just a friendly reminder, h'wag mo nang ipilit kong masyado ka ng nasasaktan sa nangyayari."

"A-Akala ko kasi siya na 'yong taong hinahanap ko. Akala ko siya 'yong taong pupunan ang pagiging ako. Pero naging akala lang pala ang lahat dahil niloko niya rin ako," naiiyak kong sabi.

"Alam kong pinagkatiwalaan mo talaga siya, Lhorr, just continue to believe him. Kilala mo ng lubosan ang babaeng kasama niya, she's a freak Sandara, na nakilala natin. At baka lahat ng nangyayari ay pinapalabas niya lang," aniya.

"Paano? P-paano mo nalaman na si Sandara ang kasama ni Jorge?" tanong ko.

"She told me about her plan, but I refuse to help her. I don't want to ruin your trust on me, Lhorr," pagpapaliwanag niya. "Besides, wala akong makukuha kung susundin ko siya."

"Bakit hindi mo kaagad sa akin sinabi?" saad ko. "Akala ko ba kaibigan kita?"

"Kaibigan mo ako, Lhorr. Tapat mo akong kaibigan. I never tell you her plan kasi magkakagulo lang ulit kayo. Kilala ko naman si Jorge, kaya hindi ko naman inakala na hahantong lahat sa ganitong nakikita kong nangyayari sa iyo," paliwanag pa niya.

"You betrayed me, Kately. Paano pa kita pagkakatiwalaan sa lagay na 'yan? Paano pa kita paniniwalaan dahil inilihim mo ang mangyayaring ito?"

"I don't need you to trust me, Lhorr, kung 'yan ang na sa puso mo. I'm just making the situation better for you and Jorge."

"Better? Ito ba ang better para sa iyo, Kately? Ang makita akong nadudurog?"

"Lhorr, please be understanding. Alam kong nadadala ka lang ng galit diyan sa puso mo. Hindi ko rin naman kasi inakala na ganito pala ang kahahantungan ng paglilihim ko sa plano ni Sandara sa iyo."

"Nangyari na ang nangyari, Kately. Hindi ko inakala na isa ka pala sa sisira ng buong tiwala ko sa 'yo."

Krinnnggg...

May biglang tumawag. Sinagot ni Kately ang tawag mula sa kaniya cellphone. Rinig ko ang garalgal na boses ng nasa kabilang linya, habang unti-unting pumapatak ang kaniyang mga luha.

Ano bang nangyayari? "Sige papunta na po ako, kuya!" sabi niya bago ibinaba ang tawag. "Lhorr, sorry, but I have to go. I'll explain everything to you kung magkikita ulit tayo. Sinugod ngayon si Mama sa ospital kaya kailangan ko nang magmadali. Pasensiya ka na ulit."

Hindi na ako sumagot pa at hinayaan lang ang kaniyang paglaho sa aking harapan. Naiwan ako rito sa gitna ng field na balisa at maraming iniisip. Kinalaunan, nang humupa na ang bagyo ng aking nararamdaman ay dumeretso na ako ng bahay. Hindi na kami nakaalis sa binigay― binabayaran kong bahay kay Jorge.

Pagdating ko ay halatang nakabukas ang gate ng bahay. Bigla akong nanibago sa nangyayari. Palagi ko kasing bilin na isara ang pinto at gate ng bahay. Nagmadali na akong pumasok sa loob at naabutan ko ang labas ng bahay na makalat at parang may nangyari.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon