C7: Intruder

39 8 0
                                        

Chapter 7: INTRUDER

Lhorr's POV

"Okay ka na ba, Lhorr?" tanong ni Sandara.

Nagkaroon na ako ng malay matapos ang naging laro namin kanina. Nandito pa rin ako sa loob ng university clinic. Hindi pa ako pinapayagang makalabas dahil kagigising ko pa lang daw.

Nakahiga lang ako sa malambot na kama ng clinic. Paminsan-minsan masarap din pala maging pasyente ng clinic dito. Bastante ka na sa higaan, well-ventilated pa dala ng buga ng aircon.

But why our classrooms suffer from hell? There's only one stand fan in every classroom and a rusty ceiling fans that seems built during the 90s.

Nanatili muna ako ng ilang minuto para na rin makakuha ulit ng lakas. At maging abusada sa free aircon ng clinic. Kasama pa rin sa tuition namin ang binabayad dito.

Tiningnan ko ang orasan sa aking harapan at malapit na pa lang mag ala-una. Gusto ko pa naman manood ng swimming event ngayon dahil susuportahan namin ang isang kaibigan mula sa College of Law.

May limang miyembro sa aming barkada. Nabuo lang ito ng magtatapos na ang semester sa senior high. Kaya napagplanuhan namin na dapat bawat isa sa grupo ay may magkakaibang kurso. Pero dapat ay sa iisang unibersidad lang kami mag-aaral. And, it happened. We are studying in the same university with different degree to finish, our dream university― Jefford University.

Isa rin sa mga agreement namin na sumali sa anumang aktibidad sa unibersidad para naman magkita-kita kami. Sa laki ba naman ng unibersidad namin daig pa Mall of Asia sa sobrang lawak.

"Sabay tayong mag-e-enroll sa Jefford University, ha," sabi ni Kristof, isa sa aking kaibigan.

"Oo naman," sagot ko.

Kaya nandito kami ngayon nagsama-sama. Kilalang-kilala sa larangan ng sports event at literary contests ang unibersidad. Many great athletes and artists were produced by this University to be globally competitive. No wonder why sport events of the University were seriously took into like joining a battle.

Isa ang aming unibersidad sa pinakakinatatakutan ng ibang unibersidad sa aming rehiyon dahil malalakas ang nanggagaling dito.

Pero sa katunayan hindi ko naman "big dream" na kumuha ng Engineering course. It's just a random pick that only luck could help you find your destined course. I feel like I am doing a thesis using a fish bowl sampling technique as on how we identified our respondents. As a good friend, I pursue Engineering since it was what I've picked.

Si Sandara Cristoba ang pinakamatalik kong kaibigan. Siya ang nakabunot ng COE kaya siya nag-Educ. Magkaiba kami ng section no'ng elementary kaya minsan lunch time na kami nagkakasama. However, she transferred school when she was in junior high school. Naging iskolar kasi ako ng private school no'ng elementary ko. Kaya nakilala ko siya. But I pursue my studies in public as I entered high school.

Only then I found out that she will pursue Senior High in the same school I was enrolled. On that day, we bond again together again until we reached college.

Nagkakilala lang kami sa school canteen noong elementary nang mag-agawan kami ng trey. Hindi talaga kami magkasundo noon, ngunti sino ba naman ang magsasabi siya pa ang naging close ko sa lahat.

Napapabilib na ako ni Sandara noong elementarya pa lang kami dahil marami na siyang naging achievements. Iba't ibang parangal na rin ang kaniyang natanggap mula sa magkakaibang kompetisyong nasyonal at internasyonal. While me? I am just a clapper and a proud supporter of her.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon