dedicated to Lady_Green_21
A/N: My first follower on Wattpad. So, I dedicate this chapter to you. Hope you'll enjoy reading.
Chapter 5: OKTOBERFEST
Lhorr's POV
The College of Engineering,
The College of Education,
The College of Nursing,
The College of Communication, and
The College of Law.
Ito ang limang departamento ang naglalaban-laban sa kompetisyon taon-taon.
"I am elated to announce that I officially open this year's OctoberFest. May you enjoy this long week event. Thank you!" masayang anunisyo ng pangulo ng unibersidad.
Dumagundong ang palakpakan at hiyawan ng lahat. Lahat ay nagsisigawan na siyang gumising, gumimbala, at nagpaalala na sa oras na ito hanggang matapos ang palaro, lahat ay uuwi at nag-uumapaw sa tuwa. Hindi na nga talaga maitago ng lahat ang saya sa pagsisimula ng palaro. Kahit ako ay masaya ngunit kinakabahan na.
Makikita sa mga mukha ng karamihan ang tuwa. Magsisimula na kasing maglalaro ang kani-kanilang pambato sa bawat sports na kanilang sinalihan. Sa ikatlong araw naman ay magaganap ang tagisan sa talento sa gaganaping cultural contests. Nagsipaghanda ang lahat ng estudyante sa kanilang cheers and yells. Ang iba naman ay nag-aabang na magsimula nang magpatagisan nang lakas ang mga manlalaro. At matapos nga ang ilang minuto ay nagsimula na ang unang event, the cheers and yells competition.
Tumungo na ang mga mag-aaral ng College of Education sa gitna ng gym. Sila ang unang magtatanghal na susundan ng CON, COL, COC, at an gaming departamento ag huli. Napuno muli nang hiyawan ang buong stadium. Naghanda na ang education students at sa hudyat ng kanilang lider ay nagsimula na nga sila.
Education for the win!
Education sa ngayong taon ay papalarin!
ED-di kami magpapatalo sa inyo!
Sapagka't kami ang may mahusay na departamento.
Anong sigaw ng bayan? Education ang magiging kampyon!
Iyon ang linya ng mga education students sa kanilang cheers and yells. Sumunod na ring nagpakitang gilas ang mga mag-aaral sa College of Nursing.
College of Nursing ay 'di magpapadaig,
Sa mga kalaban na patpatin at hindi naman astig!
C-O-N ay palaban walang inuurungan!
Buwelta naman ng mga taga-Nursing department. Kahit kailan ay lumalaban ang mga nursing students. Marami rin ang magagaling sa kanila. Kaya alam naming mahirap silang kalaban.
Manalo, matalo walang kokontra!
Abogado't abogada ang dedepensa!
Ito ang COL, ho, ho, ho.
Siyento porsyentong mananalo,
Kayong lahat ay di bagay sa trono!
Champion na ang College of Law!
Depensa ng mga College of Law students. Halatang ayaw din talaga nila magpatalo. Alam mong uhaw silang manalo ngayon taon.
Team Communication! Are you ready?
![](https://img.wattpad.com/cover/223466135-288-k799817.jpg)
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Teen FictionJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...