C19: PoyPoy

13 2 0
                                        

Chapter 19 - POYPOY

Lhorr's POV

A month has passed, yet I haven't seen Jorge's presence after I found my bracelet, no, after Sandara gave it to me. Maybe Sandara was right. Jorge stole it because he wanted to take revenge from me after all the things I've done. But something in me won't believe he will do such thing.

I never expected it either. I am very disappointed to him and it is so damn disappointing that despite he had done, I can't help myself to get mad at him.

Nakakairita na rin hanapin ang taong mailap magpakita. 'Yong tipong mahilig pa makipagtagu-taguan. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong pagtatagpuin talaga ang landas namin. May mali pa rin siya sa akin at hindi ko 'yon kailanman makakalimutan.

Pagkatapos ng klase ko, nagdesisyon akong pumunta sa malapit na mall. Napag-isipan kong mag-grocery muna bago umuwi. Pinakiusapan din ako ni mama na bumili ng gatas niya.

Masaya ako na kahit papaano ay bumalik na ang katinuaan ni mama. It happened after the incident I've encountered. Unti-unti na siyang nakaka-move-on sa nangyari kay papa. I am longing to the care of my mother, which we're experiencing again.

I am still lucky to have my brother and my mother. My brother is a working student too. He's working in the construction site after his morning class. I never allowed our mother to work since she might get stressed and I can't take it anymore if depression will touch her again.

"Super traffic naman ano ba 'to," angal ng babaeng katabi ko sa sasakyan.

Nandito ako sa loob ng jeep papunta sa mall. Ilang metro lang ang layo nito mula sa campus, ngunit mas gusto ko pa ring sumakay sa kabila nang mabagal na usad ng traffic. Para hindi mainip, I browse my Facebook account. I never expected that Jorge Casillo's profile appeared on my screen.

Mukhang papatay ng kalaban ang titig niya sa picture habang nakaupo sa isang sofa. Ang malambing niyang mukha on line ay parang hindi halatang tarantado sa personal. Kung hindi dahil sa maganda niyang mata, tiyak hindi naman siya attractive.

"Wait! Model siya ng favorite kong magazine? Chrub Mag?!" Laking gulat ko nang mabasang mula sa CHRUB ang kanyang picture. "Bakit hindi ko alam na model siya ng Chrub? O baka baguhan lang siya?" tanong ko pa sa aking sarili.

"Miss, ayos ka lang ba? Bakit ka nagsasalita mag-isa?" pagtatanong ng isang pasahero nang marinig akong nagsasalita.

"E-eh, wala po may naalala lang," agad kong sagot.

Sinubukang kong halungkatin ang kanyang timeline photos and I saw someone who is familiar to me. Upon seeing his photo I suddenly remembered Poypoy, my childhood friend. Then my bracelet suddenly shone when the sun rays gently kissed it that caught my attention. I glance at it while reminiscing those memories with him, 12 years ago.

He intended to personalize this bracelet, so I looked for someone who can fix it. It was his only remembrance of our childhood. If ever we separated ways we still have our memories with us. It already happened and I don't know if we will cross paths again.

Bumaba na ako ng jeep at naglakad papasok sa loob ng mall. Agad naman akong dumeretso sa department store at binili ang mga nakalistang pinapabili ni mama. Matapos kong mabili lahat ay agad na akong pumila sa cashier at nagbayad.

Dumeretso kaagad ako sa paborito kong ice cream-an at pinili ang caramel flavor. Hindi na ako gumala pa dahil kailangan kong umuwi kaagad. Magluluto si mama ng paborito naming ulam tuwing hapunan. Kaya excited na akong matikman ulit ang luto niya.

Nang makalabas ako ng mall ay may taong nagmamadali namang tumakbo. "Ahh!" napadaing ko. Hindi koi yon kaagad naiwasan.

Malakas akong nabangga ng nagmamadaling lalaki. Nabitawan ko tuloy ang dalawang supot ng binili ko at nagkalat ito sa sahig. Nasira ang supot ng isa sa mga pinaglagyan ko ng gatas. Naiinis kong pinulot ang mga pinamili ko at kaagad na hinarap ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko.

The Way You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon