Chapter 6: AFTERMATH
Lhorr's POV
"Kaya mo 'to, Lhorr!" sabi ko habang pinapakalma ang aking sarili.
Hindi ako mapakali nang marinig ko ang pagtawag sa amin dahil magsisimula na ang laro. Napalingon ako sa aking mga makakalaban. Nakikita ko sa kanilang mukha na gusto nilang manalo.
"Huwag kang kabahan sa kanila, Lhorr. Kaya mo silang talunin," pagpapanatag ko sa aking sarili.
Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko para maipanalo ang larong ito. It's now or never. I have invested my time in our training and I won't waste it.
Kaagad akong nagpunta sa gitna ng field at pumwesto sa 'king linya. Hindi pa rin tumitigil ang bilis nang kabog ng aking dibdib, na siyang nagpabingi sa akin at bumalewala sa ingay ng mga estudyante sa iba't-ibang departamento. Nakabibingi rin ang mga sigawan ng mga mag-aaral habang isinisigaw ang kanilang pambato. Ayaw kong biguin ang aming departamento lalo na't kami ang champion last OctoberFest.
Nakita ko si Sandara. Napatingin din siya sa gawi ko at ngumiti na parang alam niyang hindi ko siya matatalo. Sa una ay nagdadalawang-isip akong kalabanin siya. Hindi dahil ay magkaibigan kami kundi alam kong malakas siya.
Mas mahusay sa akin si Sandara dahil na rin sa mga karanasan niya. She already proven herself; she represented our country in the field of running several times. Habang ako, baguhan sa larangang hindi ko rin alam bakit ko nga ba pinasok. Pero hindi dapat ako mawalan ng kumpiyansa na maipapanalo ko ang larong ito.
I know that I will give my best just to represent the College of Engineering. The loud cheers of my department fueled my commitment to win this event.
Plak!
Mabilis akong tumakbo nang marinig ko ang hudyat. Wala nang atrasan pa. Tumakbo na kaming lahat habang dinig ko ang sigawan ng mga nanonood sa amin. Takbo lang ako nang takbo dahil ako na ang nahuhuli sa aming lima. Natapos nga ang laro na ako ang huling nakarating sa finish line.
"Ang kulelat naman!" dinig kong sigaw ng ilan.
Nadismaya nga ako ng bahagya sa resulta ng una kong laro. Alam kong madali lang akong maungusan ng aking mga kalaban. Isa itong kahihiyan sa aming departamento.
Naglaro ang ibang kasamahan ko sa kani-kanilang sinalihang category na tatakbuhin. Isa na lang ang pag-asa ko dahil ako ang sasali ulit sa huling category, ang 3000m long distance.
Ito ang inaabangan ng karamihan dahil una itong lalaruin ngayon. Idinagdag ito sa mga kategorya ng pagtakbo. Kaya magiging history ang mananalo sa kategorya na ito. Alam kong hindi ko matatalo si Sandara, pero kahit 4th placer man lang. Nakakahiya naman na mabalandra ang pangalan ko sa student publication na ako ang huli sa lahat. Wala akong mukhang ihaharap kapag nagkataon.
Mayamaya ay nagsimula na rin ang last category at nagpunta na sa aming linya. Gusto kong manalo kahit alam ko na imposible ang hinahangad ko. Si Sandara pa rin ang makakalaban ko bilang representabte ng kanilang departamento. Hindi na ako nagulat na siya ang isinali sa kategoryang ito.
"May the best woman win," sambit ko.
Isa rin sa mga makakalaban ko ang naging pambato ng Pilipinas na nanalo sa Palarong Pambansa nakaraang taon. Natatakot ako na hindi makuha ang gold medal upang maitayo ang bandera ng Engineering Department sa kategoryang ito.
"Hindi ako susuko!" nasambit ko nang marinig ang hudyat ng laro.
Tumakbo muna ako nang mabagal kaya't huli na ako sa apat kong kalaban. Ayaw kong sumagi sa isipan ko na matatalo ako sa laro kaya nagmadali na rin akong tumakbo para maabutan sila.
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Teen FictionJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...