Chapter 46 - UNEXPECTED VISITORS
Lhorr's POV
I try to stay composed and trying to convince myself to be calm. Whatever happens, dapat handa ako. Parang may mali kasi sa nangyayari.
"Sino po, nay, ang nasa labas?" pagtatanong ko ulit sa kaniya.
Mas lalong napakunot ang noo ko nang umiyak si Nay Belinda. Hindi ko alam kung bakit na lang siyang biglang napaiyak.
"N-nay, ayos ka lang ba?"
Tumango siya. "Nandito na kasi ang magpuputol ng ilaw ngayon, anak," paliwanag niya.
"Haist, pinakaba mo naman ako, nay," buntong-hininga ko, nakahinga ng maluwag. "Akala ko naman kung ano― Wait, what?!"
"Oo, anak. Hindi na kasi tayo nakapagbayad ng kuryente."
"Akala ko po ba ay nagbabayad si Jorge?" tanong ko, gulat pa rin.
"Mahabang kwento kasi, anak. Kaya hindi ko n asana ito nasabi sa 'yo."
"B-bakit, nay? May itinatago ba kayo sa akin ni Jorge?"
"Anak―" napahinto siya, "nagtatrabaho si Jorge para makapag-ipon. Hindi naman sapat ang kaniyang kita sa kaniyang napasukan. Naging extra na kargador sa pyer si Jorge ngayon. Hindi ko naman dapat ito sasabihin sa 'yo gaya ng bilin ng ni Jorge. Siya ang dapat na magsabi sa 'yo ng tungkol dito. Pero dapat mo na siguro ring malaman."
"B-bakit po nagtatrabaho si Jorge sa pyer ngayon, nay? Bakit hindi niyo 'to kaagad sa akin sinabi?" sunod-sunod kong tanong.
"Dahil ayaw ni Jorge na mag-alala ka, anak. Hindi na siya binibigyan ng mommy niya katulad noon. Kaya walang-wala na rin siya, Jorge. Naubos na niya ang savings niya sa banko. Iyon ang kuwento niya sa akin."
"Ang bahay― pwede niya naman iyon ibenta, nay."
"Ayaw niya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin iyon binibenta. Iyon lang kasi ang tanging regalo niya sa 'yo noon," malungkot na sabi ni Nay Belinda.
"Pero gusto ko, nay."
Bakit ba hindi kaagad sa akin sinabi ni ni Jorge? Sana ay natulungan ko siyang magtrabaho. Naglihim sa akin si Jorge.
He's totally different now. Ibang-iba sa buhay na mayroon siya.
Jorge is not the person you will expect na gagawin ang bagay na hindi niya alam. Kaya doon ako mas humanga sa kaniya. Pero mali pa rin na maglihim siya sa akin.
"Bakit may mga taong kailangan mag sakripisyo, nay?" natanong ko.
"Dahil may mga taong gustong nilang mapasaya. Iyon ang dahilan ng kanilang pinaghihirapan. Huwag kang mag-alala, anak, ayos lang si Jorge. Hindi ko rin naman siya kinukunsiteng magkapa pagod."
Niyakap ako ni Nay Belinda. Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon ko sa aking nalaman.
Bakit dapat magtago kung wala ka namang mali?
Bakit nagbabago ang tao?
Bakit may dapat masaktan?
Ito lang ang mga katanungan na bumbagabag sa aking isipan. Mga tanong na nangyayari sa aking buhay na wala pa ring kasagutan hanggang ngayon.
"Hindi ito ang tamang pagkakataon," nasabi ko sa aking isip.
Lumipas ang hapon at hindi pa rin nakakauwi si Jorge. Madalas naman talaga siyang umuwi ng gabi pero marami akong gustong itanong sa kaniya. Sana ay umuwi siya ng maaga.
Ding dong!
"Sana siya na 'yon," sabi ko nang marinig ko ang doorbell.
Nang pagbuksan ni nay Belinda ang taong nag-doorbell ay bigla siyang napaatras. Hindi ko inasahan ang bumulaga sa amin.
BINABASA MO ANG
The Way You Loved Me
Novela JuvenilJorge Casillo, third year student, wants to discover how life being in public school as a transferee. His life becomes roller coaster when he entered Jefford University. In the campus, he meets a girl who unexpectedly ruin his peace. Lhorr Raine Gon...