Chapter 1

125 3 0
                                    

A/N: Paalala lamang na ang unang chapter ay karugtong ng huling chapter sa Yet Still I'm Falling. If you haven't read it yet, then read it first! ;) hope you'll enjoy this. Thanks ahead!

~~

Chelsie's POV

(Bago sila pumunta sa dean's office...)

"Teka sandali, nanginginig yung hita ko" sabi ko kay Jo habang naglalakad kami. Bigla na lang kasing nag vibrate ang phone ko sa bulsa ko.

"Ha?" Pagtataka niya.

"Wala! May tumatawag, teka sandali" huminto ako sa paglalakad at saka kinuha ang phone ko, si Gelo tumatawag, "Oh bakit?" bungad ko sakanya.

"Maka oh ka naman dyan. Ang aga aga badtrip ka na agad?" Sagot niya.

"Anong maaga? Tanghali na kaya. Hindi ako badtrip, wala lang talaga akong gana kausap ka" biro ko sakanya.

"Ah ganun?!"

Natawa naman ako, pikunin na talaga 'tong si Gelo, "De joke lang. Oh ba't ka nga napatawag? Kamusta mga strawberries dyan? Ipagawa mo naman ako ng strawberry jam kay Agnes dyan oh" I chuckled.

"Huh? Agnes? Sinong Agnes?" Pagtataka niya.

Natawa ulit ako, "Wala! Bakit ka nga napatawag?"

"Wala lang, gusto lang kitang kamustahin"

"Ows? Hmm.. Ikaw ah! Wag mong sabihing may HD ka pa rin sakin?!" Natatawa tawa kong sinabi.

"HD talaga? Tumigil ka nga Chelsie, naka move on na ako sayo no! Maiba ako, first day niyo ngayon diba?"

"Oo. Actually nandito na kami ni Jo sa school, hinahanap namin yung room namin ngayon"

"Ahh--"

"Chels tara na, mahuhuli na tayo oh?" pag aaya ni Jo

"Sandali" I told her, "uhm Gelo, may sasabihin ka pa ba? Kailangan na kasi naming umalis ni Jo eh"

"Ah, eh, meron sana kaso sige next time na lang. Baka ma-late pa kayo eh. Tatawag na lang ako sa susunod"

"Okay sige ba-bye na!" itinapat ko kay Jo yung phone ko, "mag bye ka na rin" sabi ko sakanya.

"Bye Gelo! See you soon!" Jo said.

"Oh siya sige na ba-bye! Ingat lagi, bye!" I told him pagkatapos binaba ko na ang phone.

Naglakad na ulit kami ni Jo papunta sa dean's office.

***

Nang makarating na kami sa room 118 naupo na kami ni Jo sa upuan namin. Wala pa namang arrangement ng seats kaya kahit saan na kami naupo.

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis yung kaba sa dibdib ko. Namalikmata lang ba talaga ako?

Sana.

Pero kasi, kitang kita ng dalawang mata ko na nandoon siya. Pero nung tinignan ko naman ulit, wala na. Parang bula na biglang naglaho. O baka naman gawa gawa lang ng imahinasyon ko yun.

What the hell! Bakit naman ako mag i-imagine at bakit siya pa?! Kung mag i-imagine na lang ako edi sana si Daniel Padilla okaya si Mr. Grey na lang ang inisip ko diba?

Ay nako! Nakakaloka! Nakakaloka! >_<

"Huy, anyare sayo? Bakit pailing iling ka dyan?" Jo said.

Umayos ako ng upo at humarap sakanya, "Jo, may nakita ako kanina.."

"Anong nakita mo?" sabi niya habang inaayos yung earphones niya.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon