Chapter 10

31 1 0
                                    

Chelsie's POV

Hoooohh...

Hinga ng malalim. Hinga, hinga, hinga.

Ito ang unang practice ko kasama ang banda, kasama siya.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawi o sasabihin ko kapag nakaharap ko na siya. Ang awkward!

Papunta na ako ngayon sa function room. Nagtext sakin kagabi si King na ngayon ang unang practice namin. At oo, magkatext kami. Nagkakuhaan na kami ng number mula noong pumayag ako na maging bokalista ng banda. Pero syempre hindi ako ang unang nanghingi ng number niya, siya ang humingi ng number ko. Ganda ko 'no? Chos!

Papunta na akong function room. Doon raw kami magpapractice. Inagahan ko ng pagpunta, ito kasing si King walang sinabi kung anong oras ang practice namin. Kaya inagahan ko na lang ng pagpunta para naman wala silang masabi sakin.

Pagdating ko sa tapat ng function room, parang ang tahimik yata? Wala akong naririnig na ingay. Wala pa ba sila dito?

Sinubukan kong buksan yung pinto sa harapan pero naka lock kaya pumunta ako sa isa pang pinto sa likuran.

Ang tahimik talaga. Nakakatakot.

Sinubukan kong buksan ang pinto at mabuti na lang bukas ito. Patay ang mga ilaw kaya binuksan ko pa ito.

Napaaga yata ako ng dating. Wala pa sila dito eh. Siguro maya maya parating na sila. Dito ko na lang sila hihintayin para naman hindi masayang ang pagpunta ko ng maaga dito.

Naka set na lahat ng instruments na meron ang banda dito. Kinuha ko yung isang gitara at sinubukan ko mag strum. Kahit kailan talaga hindi ko matutunan kung paano ba tumugtog gamit ang gitara. Hirap na hirap ako dito eh.

Naalala ko nung high school, sobrang daming memories, ang daming mga pangyayari na hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan.

Na-miss ko tuloy bigla si Michael. Naalala ko nung tinugtog at kinanta niya yung isa sa mga favorite kong kanta. Noong nag away kami, talagang kinantahan niya ako sa harap ni ma'am at ng mga kaklase ko. Aaminin ko kinikilig din talaga ako nung mga panahong yun. Ayoko lang ipahalata kasi nga nahuhulog na rin ako sakanya noon.

Hindi ko rin makakalimutan nung kinantahan din ako ni Cliff. Kotang kota ako sakanilang dalawa ni Michael noon. Halos mabaliw ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung trip lang ba nila akong magtotropa noon o ano eh. Valentines day na valentines day ang daming kalokohan! At ang mas ikinawindang ko noong araw na yun ay yung mga ginawa nila. They both kissed my hand. Sinong hindi maloloka nun?! That time hindi ko alam kung bakit nila ginawa yun.

Natatawa na lang tuloy ako ngayon, lalo na kapag naaalala ko lahat ng mga nangyari noon. May mga moments na ang sarap balikan, may mga memories din na dapat ibaon na lang sa limot.

Narinig kong may nagbukas ng pinto kaya napatalikod ako. Mukhang nandito na sila. Finally!

T-teka sandali, b-bakit siya lang? Nasaan yung iba?

Isinara niya ang pinto atsaka tumingin sakin. Dahan dahan siyang naglakad, papunta sakin? Ang sama ng mga tingin niya. G-galit ba siya?

Napalunok ako. Eto na naman, umaatake na naman yung kaba ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang sama pa rin ng tingin niya sakin.

Sandali nga! Bakit siya pa yata itong galit? Hindi ba dapat ako ang magalit sakanya? Ang kapal ng mukha nitong pugo na 'to!

Habang papalapit siya, ako naman ang paatras ng paatras. Nakakatakot, yan ang nararamdaman ko ngayon. Kakaiba yung titig niya. Parang hindi yung GJ na nakilala ko.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon