Chapter 4

22 2 0
                                    

AJ's POV

Kanina pa tumutunog itong phone ko. Kung hindi dahil sa text, dahil naman sa paulit ulit na pagtawag nila sakin. Hindi ko talaga sila sinasagot. Wala akong balak.

Nakaka-badtrip lang dahil habang nasa byahe ako tunog ng tunog itong phone ko. Nasa jeep pa naman ako ngayon. Yung ibang pasahero tingin na ng tingin sakin. Kaya ayun, pinatay ko na lang yung phone ko nakakahiya na rin eh.

Hindi ko kasi naitakas ngayon yung kotse ni ate Amanda, yung pinsan ko. Pinagbawalan na niya ako dahil nung isang araw lang nagasgasan ko yung kotse niya. Wala na yata siyang balak pahiramin ako ng kotse niya kahit kailan. Pinaka iingatan niya kasi yun tapos ginasgasan ko lang.

Pero di bale, madali lang naman yan lambingin si ate eh. Konting beautiful eyes lang, bukas makalawa dala ko na ulit kotse niya.

Wala akong kotse. Ayaw akong bilihan ni tita. Ewan ko ba dun.

By the way, papunta na akong school. Actually napilitan lang ako. Dahil wala talaga akong balak pumasok. Kaso nga ang lakas nila mangulit. No choice din ako dahil may kailangan ako sakanila ngayon.

Ngayon yung pa-audition ng banda, at yun ang dahilan kaya ayokong pumasok ngayon.

Ayoko talagang may dumagdag pa sa banda. Okay na kami eh. Kaso itong si King kahit kailan talaga, malabo kausap.

Pero mabuti na rin talaga at ngayon pa lang ako papasok. Nag-text sila kanina sakin, halos lahat daw ng nag-o-audition hindi pasado. Syempre natutuwa ako, ibig sabihin walang madadagdag samin.

Nang makababa ako sa jeep, agad kong binuksan yung phone ko. Wala na akong maiistorbo so okay na buksan 'to.

Pagbukas ko, natadtad ako ng napakaraming text. Pero ngayon naka silent na ang phone ko kaya safe na.

Lahat galing kay Mico, nagbasa ako ng isa.

1 message received

Bro, bilisan mo. Mukhang may mapipili na si King.

-Mico

Nagbasa pa ulit ako ng isa pa pero parehas lang yung message. Mukhang iisa lang ang laman ng text niya. At mukhang may makakapasa na nga. Hindi naman siya magte-text ng ganito kung hindi.

Hindi pwedeng mangyari 'to. Walang dapat makapasa. Walang dapat madagdag sa banda namin.

Nagmadali na akong tumakbo.

Walang makakapasa sakin sa audition na yun. Wala kahit sino.

***

Hinihingal akong nakarating sa labas ng function room. Huminto muna ako sandali para makapagpahinga.

Mula dito sa labas naririnig kong may kumakanta sa loob.

Boses babae. Ibig sabihin babae yung nag-o-audition?

Tss, mas lalong hindi papasa sakin yan. Bakit babae pa? Eh puro kami lalaki sa banda tapos babae pa ang balak piliin ni King?

Nang makahinga na ako ng maayos, dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng function room. Sa likuran ako pumasok para hindi nila ako mapansin agad. Dalawa kasi yung pinto dito, isa dun sa unahan at isa dito sa likod. Since sarado din naman yung front door dito na ako pumasok. Huminto ako malapit sa pinto.

Nakita kong seryosong pinakikinggan at pinapanood nila yung babaeng kumakanta.

Napatingin ako dun sa babae. Hindi siya katangkaran, pero sakto lang ang height niya.

"Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mo ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'yo

Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... ohhh...

Lalalala..."

Tapos na?

In fairness powerful ang boses niya. Okay naman, may boses siya.

Pero hindi pa rin siya papasa sakin. Ngayong nandito na ako ang huhusga.

Bigla namang nagpalakpakan yung tatlo. Yung palakpak nila slowmo, parang manghang mangha sila sa narinig nila.

Anong nakakamangha doon? Parang wala naman.

"Woah. Finally, sa kauna-unahang pagkakataon may kumanta rin ng matino" sabi ni Mico.

"Good. Your voice is so good" sabi naman ni Louie

Teka, bakit pakiramdam ko lahat sila gusto na yata itong babaeng 'to?

"Well, ikaw na yata ang hinahanap namin miss--" napatingin naman si King sa direksyon ko, at lumawak ang ngiti niya lalo, "oh, nandyan ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay eh." naglakad siya papunta sa direksyon ko, binigyan ko lang siya ng isang masamang tingin.

~~

Chelsie's POV

I was about to turn may back para makita kung sino yung dumating nang bigla namang nag-ring ang phone ko.

Tumatawag si Jo at agad ko naman itong sinagot.

"Chelsie! Asan ka ba? Kanina pa kita hinihintay eh. Bakit hindi ka pumasok sa first subject natin?!" Bungad niya.

"H-ha? Ano kasi eh--" hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang mga nangyayari ngayon "uhm, sige na pupuntahan na lang kita dyan. Hintayin mo ako. Bye" binaba ko na agad yung phone bago pa siya makapagsalita. Sermon lang aabutin ko dun eh.

Pagkababa ko sa phone napalingon ako dun sa band members na ngayon ay pinalilibutan yung kung sino man ang dumating.

Chance ko na 'tong makaalis. Tutal naman hindi talaga ako nag-o-audition eh. Napakanta pa tuloy ako ng wala sa oras.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa front door eto lang ang pinakamalapit na pwede kong labasan.

Nilingon ko ulit sila, mukhang busy sila sa pag-uusap.

Aalis na ako! Byeeeee!!!

At nang makalabas na ako ng pinto, agad akong tumakbo palayo.

To be continued...

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon