Chapter 23

23 1 1
                                    

AJ's POV

"I'll see you tomorrow night. Susunduin kita okay?" sabi ko kay Alice.

"Sige" sagot niya, pagkatapos umalis na agad siya.

Naghiwalay kami sa lobby, ihahatid ko pa sana siya sa klase niya kaso ayaw niya.

Pero di bale na, pumayag naman siya na isama ko siya sa party bukas sa bahay. Birthday kasi ni tita, at gusto ni tita na dalhin ko naman daw sa bahay yung babaeng matagal ko nang nililigawan.

Ayoko nga sana kaso mapilit si tita eh.

Hindi naman sa ayoko siyang ipakilala kasi sigurado akong aasarin lang ako ni ate Amanda at tita. Matagal na nila akong kinukulit na dalhin si Alice sa bahay. Hindi kasi ako nagkukwento sakanila about kay Alice. Hindi rin nila kilala kahit sa pangalan si Alice kaya bukas first time lang nilang makikita at makikilala si Alice.

Kinakabahan ako, pero bahala na. Si Alice pa lang ang unang babaeng dadalhin ko sa bahay, siya pa lang ang unang babaeng ipapakilala ko kay tita at ate.

Naalala ko tuloy yung paalala sakin kanina ni tita,

*flashback*

"Albert James!" sigaw niya habang papalabas na ako ng pinto.

Lumingon ako, tinuro niya ako at pinalapit sakanya. Lumapit naman ako.

"I want you to bring your special someone tonight. Gusto ko na siyang makilala. Kailan mo ba balak ipakilala yang nililigawan mo samin? Ang tanong meron ba talaga?" natatawa niyang sinabi.

"Tita naman" napakamot ako sa ulo, ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Anong tita naman? Bring her tonight! Wag na wag kang uuwi kung hindi mo siya maiisama dito mamayang gabi. Its my birthday! Yun na lang ang hihingiin kong gift sayo okay"

"Tita, hindi ako sigurado. Busy na tao yun, I'm not sure kung papayag siya" dahilan ko.

Pero totoo, busy na tao si Alice. Minsan nga lang kami magkita eh.

"Invalid reason! Basta, bring her tonight or else matutulog ka dyan sa kalye. Go, you go na! Baka ma-late ka pa sa klase mo"

"Pero tita--"

"Ayaw mo bang makilala ko ang babaeng nililigawan mo?"

"Gusto ko syempre, pero--"

"Yun naman pala eh," hinawakan niya ang magkabilang balikat ko and she turned me, "Ang usapan ay usapan, bring her tonight or you'll sleep outside. Okay, go na"

Dinala niya ako sa labas ng pinto, at pinagsarahan din agad.

Wala na akong nagawa.

*end of flashback*

I have no choice. Mabuti na lang napapayag ko si Alice.

Ang balak ko pa naman sana, ipapakilala ko si Alice kapag sinagot na niya ako. Pero makulit si tita, bahala na. Kinakabahan ako, paano pa kaya kapag naipakilala ko na siya? Siguradong kukulitin ni tita at ni ate si Alice. Hay, bahala na.

(Kinabukasan...)

"Alber James! You looked really good!" Salubong sakin ni tita habang pababa ako ng hagdan.

"Eh paano, ipapakilala na niya ang kanyang special someone. Kailangan magmukhang disente talaga" sabat naman ni ate Amanda.

Inaasar na naman nila ako, tss.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon