Chapter 40

8 0 0
                                    

Chelsie's POV

"Inday! Una na ako. Wala ka bang klase ngayon at naka hilata ka pa dyan sa kama mo?" sabi ni Jo habang nagsasapatos.

Teka anong oras na ba? Napuyat ako kagabi. Late na rin natapos yung event eh. Hindi na siguro muna ako papasok sa first class namin.

"Oh siya, aalis na ko. Mag nilay nilay ka na muna dyan. Mukhang di mo kinaya ang mga ganap kagabi. Ako din eh! Di ko kineri yung pahalik sa noo! Bye Chels!"

Ano ba yung pinagsasabi ni Jo? Hindi ko na naintindihan. Wala ako sa wisyo. Antok pa me.

"Ay kalabaw na nag twerk!"

Napabangon ako bigla sa narinig ko. Kalabaw na nag twerk? Kay Jo ang boses na yun. Anong nangyari?

Agad naman akong tumayo para tignan kung anong meron sa labas at bakit napa sigaw si Jo. Hindi pa man din ako nakaka labas ng pinto ay nakita ko na si Jo na naka tayo sa tapat nito.

"Huy, anyare sayo?" nagulat ako nang makitang nasa tapat din mismo ng pinto si AJ.

Ano na namang ginagawa niya dito?

T-teka sandali! Itsura ko! Wala akong kaayos ayos sa sarili, ni hindi pa ako nakakapag hilamos, toothbrush, o nakakapag suklay. May muta pa ako sa mata! Nakakahiya!

Napa taklob ako sa dibdib at katawan ko, naka sando at shorts lang kasi ako.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Huhulaan ko Chels, sinusundo ka na naman niya" sabat ni Jo.

Agad namang tumango yung isa. Hindi manlang tumanggi! So sinusundo niya nga ako?

"Hay, maka alis na nga. OP na naman ako sa inyo. Bye na talaga for real" sabi ni Jo sabay alis.

Nang maka alis si Jo ako naman ay naka tunganga pa rin. My gosh this is awkward!

Nakita kong papangiti na siya pero pinipigilan niya ito, "Maligo ka na. Hihintayin kita" he said.

Hindi ako sumagot, sinara ko na agad ang pinto at dali daling pumunta sa banyo para maligo.

***

"So saan nga tayo pupunta?" I asked him, nasa loob na rin kami ng sasakyan at kasalukuyan siyang nag mamaneho.

"Sa bahay. Mag sosorry na ako kila tita at ate. Gusto ko samahan mo ako" sagot niya.

Adik ba siya? Mag sosorry lang kailangan kasama pa ako?

"Bakit kailangan kasama pa ako? Kaya mo na yan. Matanda ka na eh!"

Bigla siyang napa tingin sakin at kinunutan ako ng noo. Ay, hehe joke lang yun! Nginitian ko na lang siya.

"I need your support. Gusto ko nasa tabi kita pag sinabi ko yun."

Wow naman, mata-touch na ba ako sa sinabi niya? Kailangan niya ng support ko? Naks.

"I think mas better kung ikaw lang. Saka kahit naman hindi mo ako kasama, nasayo pa rin ang support ko"

Tumingin siya sakin, nginitian ko siya. Sincere ako sa sinabi ko ha!

Nang makarating kami sa bahay nila, nag park lang kami sandali at sabay na pumasok sa loob.

Natigilan kami sa paglalakad, naramdaman kong hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Medyo malamig yung kamay niya. Mukhang kinakabahan siya. Hinayaan ko lang siya, I think he really needs my support here. Nakakapag taka lang na galing na siya dito kanina, hindi pa niya nakausap ang pamilya niya.

"Hindi mo pa ba sila nakausap kanina?" I asked as we enter their house.

"Hindi ako umuwi kagabi"

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon