Chelsie's POV
"Huy Chels, kanina pa kita tinatanong dyan ha! Sumagot ka, anong nangyari sa lakad mo kahapon?"
Papunta kami ngayon ni Jo sa classroom namin. Hanggang ngayon lutang pa rin yung isip ko.
"Chels!"
Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako. Bakit niya ginawa yun?
*flashback*
Nagulat ako nang maramdaman kong may humawak sa wrist ko. Humarap ako kaagad at si AJ ang nakita ko.
"Hmm, ba't di ka pa umaalis?"
Bigla na lang niya akong niyakap.
"Salamat" he said.
*end of flashback*
May tatlong segundo rin kaming magkayakap nun. Pagkatapos nun, umalis na rin siya agad.
Ang weird ng feeling, nabigla ako sa mga pangyayari. Yung kaba ko biglang umatake.
Wait, baka naramdaman niya yung kaba ko?! Kasi halos magkadikit na yung dibdib namin tapos ang lakas pa ng kaba sa dibdib ko nung mga oras na yun.
O_O
"CHELSIE!" humarang sa harapan ko si Jo, "ano ba? Wala ka na naman sa tamang pag iisip mo"
"Ha? Ano yun? May sinasabi ka ba?"
"Tsk, sinasabi ko na nga ba" napailing si Jo pagkatapos hinila niya ako papunta sa lounge, "Maupo muna tayo dito, mag kwento ka sakin!"
"Ano namang ikukwento ko sayo?"
"Lahat! Ikaw ha, kagabi ka pang lutang! Nagpunta ka lang ng Intramuros, tapos ganyan ka na pag uwi mo. Teka nga, paano ka nga pala nakapunta dun eh hindi mo naman alam ang papunta dun?" pagtataka niya.
"Ha? Ahh, may kasama ako" I said, then umiwas ako ng tingin.
"Sinong kasama mo?"
"Basta" ayokong sabihin sakanya, dahil sigurado akong magagalit siya.
"Sino nga?" pangungulit niya sakin.
"Ano kasi eh, baka magalit ka pag nalaman mo"
"Ba't naman ako magagalit? Tinatanong ko lang naman kung sino yung kasama mo kahapon. Unless kung si-- sandali, wag mong sabihing..."
Hindi pa siya tapos magsalita pero tumango na ako. No choice, malalaman din naman niya in the end eh.
Natahimik siya, at halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"PAANO?! Paanong nangyari na kayong dalawa ang magkasamang pumunta doon?! Kayong dalawa lang talaga?! Ikaw at si AJ?!"
I knew it. Alam kong ganyan magiging reaksyon niya.
"Ehh, long story. Saka ko na ipapaliwanag sayo"
"Ay nako Chelsie ha! Nagiging close ka na dyan sa AJ na yan nahahalata ko na"
"Ikaw kasi, kung sinamahan mo ba naman ako edi sana hindi siya ang nakasama ko"
"Aba! At ako pa ang sinisi? Ewan ko sayo Chelsie! Bahala ka na nga sa lahat ng gusto mo" irita niyang sinabi.
"Galit ka na niyan? Sorry na, kung di ko nasabi agad sayo. Mahabang kwento kasi eh, promise ikukwento ko lahat sayo sa susunod"
"Weh? Talaga ba?"
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...