Chelsie's POV
Its been a week.
Isang linggo na rin ang nakalipas. Hindi na muna ako umaattend ng practice namin sa banda. Bakit? Hindi ko alam, nagi-guilty ako na ewan.
Iniiwasan ko na magtagpo ang landas namin ni AJ. Nahihiya ako sakanya, na kahit anino ko ayaw kong makita niya. Ewan ko ba kung bakit guilty-ng guilty ako. Siguro dahil sa kabila ng lahat ng mga nasabi ko sakanya nung huli kaming nag usap eh nagawa pa rin niyang pagmalasakitan ako.
Kahit pala talaga ganun siya, I mean, medyo masungit, at parang walang pakealam sa ibang tao, marunong din pala siyang mag care kahit papaano.
Ngayon hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob na harapin siya. Nahihiya talaga ako. Bakit ko ba kasi siya napagsalitaan ng kung ano ano. Nadala lang siguro ako ng mood swings.
Kinokontak din ako nila Mico at Louie, nagtataka din sila kung bakit hindi ako pumupunta pag may practice kami. Ang dinadahilan ko na lang, masama ang pakiramdam ko. Pero siguro okay na rin yun, na ako na lang ang umiwas. Alam ko namang pabor din naman sakanya yun.
Good thing walang pasok ngayon, nandito lang ako sa dorm mag isa. Si Jo umuwi sa parents niya, namimiss na daw niya kasi matagal na siyang di nakakauwi sakanila.
Kinuha ko ang phone ko at humiga sa kama, nag patugtog na lang ako dahil medyo nabobored na ako dito.
"Di mo lang alam, naiisip kita. Baka sakali lang maisip mo ako..." pagsabay ko sa tugtog. "Di mo lang alam, hanggang sa gabi..."
Natigilan ako nang maalala yung mukha niya nung huli kaming mag usap. Sobrang seryoso niya.
Haish! Ikaw kasi eh! Kasalanan mo yan Chelsie!
Teka, ba't ako? Wala naman akong ginagawang masama ah!
Anong wala? Eh pinagsalitaan mo siya ng masasakit na salita! Sayo kaya gawin yun, hindi ka ba magagalit?
Eh anong gagawin ko? Wala na, nangyari na eh!
Edi kausapin mo siya. Mag sorry ka!
What? Bakit naman ako magso-sorry sakanya? Siya ang dapat mag sorry dahil nakakabwiset na siya!
Wth. Eto na naman ako, kinakausap ang sarili ko.
Oo na po, sige na. Kakausapin ko na. Magso-sorry na ako.
Pero paano?
Napa buntong hininga ako.
Bahagyang tumigil ang music at nag vibrate ang phone ko. May nag text, agad ko itong binasa.
From: Ate Amanda
I'm picking you up in 30 minutes, be ready I'm on my way now.
Hala! Sandali, susunduin niya ako?! Bakit?!
Agad naman akong napatakbo sa banyo. Ni hindi pa ako nakakaligo, shemay nakakahiya!
Mabilis lang akong naligo, wala pang 15 minutes ay naka labas na ako sa banyo. Nag bihis na rin ako agad. At sa sobrang pagmamadali kung ano na lang ang una kong nakuhang masusuot ay yun ang nasuot ko. Nagsuklay lang ako sandali, hindi na ako nag blow dry ng buhok matatagalan lang ako. Nag lagay din ako ng face powder, lip balm at syempre nag kilay na rin para naman maging presentable ako kay ate Amanda. Nakakahiya naman, ang ganda ganda ni ate tapos ako hindi diba. Kailangan pumantay manlang ako.
Maya maya ay may narinig na akong bumusina sa labas. Mukhang si ate na yun. Tumingin lang ako sandali sa salamin. Mukha namang presentable na ko. Naka black turtle neck dress ako at white sneakers. Kitang kita ang macho kong braso dahil naka sleeveless ako. Wala na eh, eto na yung nakuha ko. Nag lugay lang din ako ng buhok since basa pa siya. Okay na siguro 'to, kaya bumaba na ako.
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...