Chapter 21

19 1 0
                                    

Chelsie's POV

Shemay! Anong oras na ba?! Baka ma-late kami sa event ngayon.

Nag aayos na ako ng sarili ko. Ngayon kasi kami tutugtog sa isang debut. Kanina pa ako nagmamadali pero parang hindi ako matapos tapos sa pag aayos.

"Joooo!! Pakiabot naman yung shoes ko dyan please! Salamat" sigaw ko.

Anong petsa na! Baka hinihintay na ako nung tatlo. Nasaan na nga ba sila? Sabi ni Mico dadaan sila dito eh.

"Oh ito na," iniabot niya sakin yung shoes ko. "Galingan mo Chels ah! Unang event 'to na pupuntahan niyo, at sana masundan pa. Kaya galingan mo, fighting!" Jo said.

"Oo naman! Thanks Jo" I said.

"Teka nga sandali, humarap ka nga sakin"

Humarap naman ako, "Bakit?"

"Bakit naman ganyan ang itsura mo?"

"Huh? May mali ba sa itsura ko?" Pagtataka ko. Maayos naman ako ah?

"Ano ka ba Chels! Debut ang pupuntahan mo, mga susyalan ang mga suot nila dun, dapat ikaw din ganun!"

"Eh hindi naman ako ang may debut 'no, hindi ko kailangan makipagsusyalan sakanila. Kakanta lang naman ako dun eh"

"Kahit na! Dapat presentable ka pa rin. Tignan mo nga ayos mo, napakasimple! Paminsan minsan Chelsie mag ayos ka nga" sermon niya sakin.

Humarap ako sa salamin, "Okay naman ang ayos ko ah?"

"Anong okay?! Look at yourself! Yung dress mo, dress mo pa yata yan nung JS prom natin eh! Tapos sobrang simple ng make up mo na parang nagpulbo ka lang. Mag ayos ka kaya!"

"Grabe siya oh. FYI hindi ito yung suot ko nung prom. Atsaka okay na 'tong make up ko. Sige na Jo, aalis na ako, balitaan na lang kita sa magaganap" lumapit ako kay Jo at bumeso.

"Oh siya sige, pasalubong ko ha!"

"Alright! Pag may natirang pagkain hahaha"

"Sira!"

Inihatid ako ni Jo sa labas, at paglabas ko may dalawang kotseng nakaparada sa tapat ng dorm namin. Kilala ko ang kotseng yan.

Bigla namang bumukas ang bintana nito. Bumungad sakin ang mukha ni Mico. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Why?

Ilang saglit pa ay bumaba siya, sumunod naman si AJ. Dun sa isang kotse, may bumaba din, si Louie naman. Yamanin ba 'tong mga 'to at may mga sariling kotse?

And now, tatlo na silang tumititig sa akin.

Ano ba kasi yun?! Bakit ganyan sila makatingin?!

"Tsk, very wrong" sabi ni Louie habang umiiling iling.

"Mabuti na lang pala at may pinadala si King" sabi naman ni Mico.

Si King? May pinadala? Ano yun?

Bumalik si AJ sa loob ng kotse, may kinukuha siya.

Maya maya ay bigla niyang hinagis sakin yung paper bag, mabuti nasalo ko.

Ayan na naman siya sa pagiging gentledog niya ha!

"Ano 'to?" I asked.

"Edi buksan mo para makita mo" AJ said.

Pinapaandaran na naman ako nitong si AJ, hindi niya siguro nakasama ngayon si Alice kaya nagkakaganyan! -.-

Tinignan ko yung laman ng paper bag, isang dress ang laman. At shemay! Ang ganda!

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon