Chelsie's POV
"Saan ka ba kasi nanggaling? Mabuti na lang at hindi tayo na-late dito sa susunod na subject natin" sabi ni Jo pagkaupong pagkaupo namin sa upuan namin.
"Mahabang kwento eh"
"Ay nako, paikliin mo Chels. Gusto ko malaman dali"
"Atat na atat Jo? Basta! Kung ginising mo ba naman kasi ako kanina edi sana nakapasok pa ako sa unang subject natin"
"Ako pa talaga ang sinisi mo ah? Sino kaya satin ang nang stalk kay GJ aber?"
Ay nako Jo wag mo akong simulan, kung alam mo lang ang pinagdaanan ko kanina. -_-
"Ssh! FYI hindi ko siya ini-stalk"
"Eh anong tawag mo dun? Sinundan lang? Teka nga, iniiba mo usapan eh. Saan ka nga galing?"
Sasabihin ko ba? Baka sabihin lang niya eh talagang inii-stalk ko si GJ. Dahil hindi talaga 'no!
"Wala, dyan lang sa tabi tabi" sagot ko.
"Weh? Talaga ba? Yung tataa?!"
Wth Jo! What's with your face? Ba't ganyan ka makatingin sakin? Nang aasar ka ba?
"Oo nga! Dyan lang talaga. Nagpahangin lang ako"
"Jusko Chelsie kilalang kilala na kita. Ikaw nagpahangin? Ang daming bakanteng room kanina, may aircon pa tapos nagpahingin ka? Sabihin mo na kasi sakin. Ikaw ah naglilihim ka na sakin!" she said pagkatapos biglang nagbago ang itsura niya, pinaningkitan niya ako ng mata, "teka sandali, ngayon yung audition ng banda nila diba? Pumunta ka? Nag audition ka 'no?!"
Paano niya nalaman yun?
"Bakit alam mo? I mean, paano mo nalamang ngayon yung audition?"
Shemay! Kinabahan ako ng very very light dun ah >_<
"Eh diba nag announced sila? Atsaka kanina pang usap usapan yun dito sa campus. Halos yun na nga lang naririnig ko palagi eh, pati sa mga kaklase natin"
So talagang trending na trending pala ang audition na yun.
"Oh ano nga? Nag audition ka?" tanong niya.
Wait, paano ko ba sasagutin 'to?
Oo pumunta ako kasi na-curious lang naman ako eh. Hanggang sa nangyari na lang ang hindi dapat nangyari, isa ako sa mga naging auditionee. Unfortunately.
Ganun ba sasabihin ko? Paano ko naman ipapaliwanag na isa ako sa mga naging auditionee? Eh hindi ko naman talaga sinasadya yun. Nagkataon lang. Naipit na ako sa sitwasyon at no choice na ako. Wala naman akong balak kasi mag audition eh. Tss. Iisipin talaga niya nang stalk talaga ako! Nako naman oh!
"H-hindi, hindi 'no! Bakit naman ako mag-o-audition dun?" I lied
"Ahhh, wala lang nagbabakasakali lang ako--"
Naputol ang sinasabi ni Jo nang biglang sumigaw ang isa sa mga kaklase namin. Napatingin naman kami dun pareho.
"OMG! Guys! May napili na raw ang RockStar!" Sigaw nung kaklase ko habang hawak ang phone niya.
"Oo nga! May nag message sakin!" Sabi nung isa ko pang kaklase.
"Me too! My friend told me!"
At sunud sunod na nga ang pag-a-announce nila.
Oh shemay. Kinabahan ako bigla. Wag naman sana jusko! >_<
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...