Chelsie's POV
Tapos na ang lahat ng klase ko ngayong araw. Papunta na akong function room, may practice kasi kami ngayon. Alam niyo na, bokalista na aketch ng bandang EVOL.
Minsan na lang kami mag practice ngayon, madalas twice a week na lang dahil sobrang busy rin ng schedule naming lahat. Nagkakaroon din ng conflict minsan dahil hindi ko naman kaklase yung tatlo at magkaiba kami ng course, iba iba rin ng schedule ng klase.
From time to time tumatawag si King kay Mico. Kinakamusta niya kung ano na ang lagay ng banda. Hanggang ngayon ang banda pa rin ang nasa isip niya kahit nasa malayo siya.
Naghiwalay kami ni Jo ng landas pagkatapos ng huling klase namin. Hindi ko naman siya mapipilit na sumama sa practice namin dahil sigurado akong ayaw din naman niya.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang marinig kong may dalawang taong nag uusap. Hindi muna ako dumeretso sa pag akyat, sinilip ko muna kung sino ang nag uusap. And then I saw AJ and Alice.
Nagtago muna ako kung saan hindi nila ako makikita.
Wait, parang nangyari na rin noon ang ganitong klaseng eksena? Hindi ko lang matandaan kung ano yun.
"I heard siya yung kasama mo nung gabing yun. Tama ba ako?" rinig kong sinabi ni Alice.
Ayoko sanang makinig sa pinag uusapan nila, pero parang gusto ko rin malaman kung ano ito. Hindi naman sa pagiging chismosa, curious lang ako. Hehe.
Hindi ko narinig na sumagot si AJ.
"Someone told me. Someone saw you and her that night"
Sino ba yung 'her' na tinutukoy niya?
"Look, Jae, I'm sorry. I'm sorry for not coming with you that night. It's just, I can't leave things that are more important than that. Marami pa namang panahon para maipakilala mo ako sa tita at ate mo, hindi lang talaga pwede nung gabing yun. Naiintindihan mo naman ako diba?"
"Huh, naiintindihan? Sa paanong paraan mo gusto na intindihin kita? Ako ba naiintidihan mo? Ni minsan ba naintindihan mo ako?" I heard AJ said it. Halata sa boses niya na galit siya pero pinipigilan niyang magtaas ng boses kay Alice.
Mahal niya nga talaga. Kahit mukhang galit siya, hindi niya pa rin mapagtaasan ng boses si Alice.
"Jae naman, kilala mo naman ako diba? Hindi ko basta basta iniiwan yung mga bagay na mahalaga sakin. Mas kailangan ko lang talagang unahin yun, intindihin mo naman ako"
"Hindi ba ako mahalaga sayo?" he said. Sobrang cold pakinggan ng boses ni AJ.
"Ano ba namang klaseng tanong yan? Importante ka sakin, pero--"
"Pero mas inuna mo pa yung ibang bagay kaysa sakin" pagputol ni AJ sa sinasabi ni Alice, "tama na 'tong pag uusap natin, marami pa akong kailangang gawin"
Sumilip ako ng kaunti para makita kung ano na ang nangyayari sa dalawa, nakita kong humakbang na si AJ paakyat ng hagdan.
"Sandali Jae, hindi pa tayo tapos mag usap"
Huminto sa pag akyat si AJ, pero naka talikod ito kay Alice.
Huminga ng malalim si Alice, "Okay, just tell your tita and ate that I'm sorry for not coming. Babawi na lang ako sa susunod"
"Wag kang mag alala, masaya sila na may naipakilala na rin ako finally sakanila"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Mukhang ako na yata ang magiging susunod na topic nila.
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...