Chelsie's POV
Ilang araw na ang nakakalipas, ako parin ang usap usapan sa campus. Hindi na ba matatapos 'to? Ayaw nila akong tigilan. Pati yung blogger kung ano anong kwento ang ikinakalat niya kahit hindi naman totoo. Yung mga tao naman dito naniniwala naman sa blogger na yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko, may tumatawag, si Mico. Agad ko itong sinagot.
"Oh, Mico?"
"Chelsie, pumunta ka ngayon dito sa function room. Lahat tayo pinapapunta ni AJ. May ibabalita daw siya satin. Nandito na kami ni Louie, hinihintay namin kayong dalawa ni AJ"
Ano naman kayang ibabalita niya?
Hindi na rin kasi kami nakakapag usap ni AJ. Kahit ang magpansinan hindi na rin. Simula nung araw na yun, hindi na kami nag uusap. Pag nagkikita kami sa campus parang hangin lang ako na hindi niya nakita at dinadaan daanan na lang niya.
Parang lahat ng pinagsamahan namin nasira. Bumalik kami sa dati na strangers ang tingin sa isa't isa.
Pupunta ba ako? Ayoko rin kasi talaga siyang makita. Masakit pa rin sakin yung mga sinabi niya.
"Hello Chelsie, nandyan ka pa ba?"
"Huh? Ah, sige on the way na ako" binaba ko na ang phone. Tsk, bahala na.
Pag dating ko sa function room naabutan ko si Louie at Mico na nakaupo habang nag uusap.
"Sorry guys, late na ba ako?" sabi ko pag pasok ko.
"Chelsie! Kamusta? tagal mong hindi nagpakita ah?" sabi ni Louie.
Yeah, maging sakanila hindi na rin muna ako nagpapakita. Ayoko silang madamay sa gulo ko.
"Uhm, medyo busy lang. Hmm, s-si AJ? Wala pa ba?"
"Nandito na ako"
Nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses na yun. Bakit pakiramdam ko kakainin ako ng lupa dito.
"Tol..."
"Hi guys!" boses ng isang pamilyar na babae.
Nakita ko sa mukha nila Louie at Mico ang pagkabigla at pagtataka.
"Alice..." sabi ni Mico.
Unti unti akong humarap, at doon nakita ko si AJ na kasama si Alice. Magkahawak ang mga kamay nila pagkatapos hinawakan ni AJ ang bewang ni Alice, ganun din naman si Alice sakanya.
Sa mga kamay nilang dalawa ako naka tingin pero ramdam ko na tinitignan ako ni AJ, lalo na ni Alice.
"Anong meron, bakit mo kami pinatawag?" tanong ni Mico.
"May good news kang kaming dalawa sa inyong lahat" tumingin si Alice kay AJ na may malaking ngiti. Yung ngiti na parang nang iinggit.
"O-oo" maikli niyang sagot.
"Ako na lang ang magsasabi sakanila, babe"
Babe?
Kinakabahan ako. Ayokong marinig 'to.
"By the way guys, me and Jae are officially together. After almost 3 long years of courting, sinagot ko na si Jae" ngiting ngiti na sinabi ni Alice.
Sila na?
Okay, sila na nga.
"Well, congrats" Mico said, parang hindi siya masaya sa tono niya?
"C-congrats" I said, umiwas na lang ako ng tingin.
Si Louie walang imik, tumango lang siya kay AJ. Mukhang hindi rin siya masaya para sa dalawa.
"So, kailan pa?"
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...