Chapter 14

30 2 1
                                    

Chelsie's POV

*blink, blink*

...

...

...

Waaahhhhhhh!!!! Ano ba 'to?!!! Hindi ako makatulog!!!! >_<

Paano ba ko makakatulog sa lagay na 'to?! Naguguluhan na ako!

AJ? Kailan pa siya nagpalit ng pangalan?!

Pero hindi eh, impusible.

Siya si GJ. Siyang siya! Mula ulo hanggang paa-- pero may mga instances na parang hindi siya si GJ.

Unang una yung buhok niya. Hindi siya kulot. Pangalawa, yosi boy 'tong GJ na nakakasama ko eh alam ko hindi naman naninigarilyo si GJ. Pero ano nga naman bang malay ko kung yosi boy na siya ngayon. Yung mga kilos niya malayong malayo sa GJ na kilala ko. Mas mayabang ng konte itong isa. At, at-- pero sandali, kung si GJ talaga siya, bakit parang hindi niya ako nakilala nung una pa lang?

Isa yan sa nagpapagulo rin ng isip ko ngayon. Kaya pala noong nagkita ulit kami, parang hindi niya ako kilala. Kata pala parang ibang iba na siya ngayon, ibang tao na siya ngayon.

Pero impusible talagang mangyari yun eh. Unless kung-- O-M-G

Hindi kaya... Teka teka sandali, may sinabi siya sakin noon eh.

Pumikit ako para maalala ang bagay na yun.

*flashback*

"Kumakanta ka?" tanong ko.

"Hmm, medyo" sabi niya habang nililipat yung page ng song book, "nahawa lang siguro sa kambal ko" dagdag niya

"May kakambal ka? Bakit hindi ko nakikita sa school?" ngayon ko lang nalaman yun ah.

"Magkaiba kami ng school. Ayaw niyang magkasama kami sa iisang school dahil maguguluhan lang daw ang mga magiging kaklase namin"

*end of flashback*

Omaygad.

Ibig sabihin--

***

AJ's POV

"Ano nang balak? Paano na?" Mico said.

"Ganun ganun na lang ba yun? Hahayaan mong masira ang banda ng dahil lang sa nangyaring yun? Akala ko ba mahalaga 'to para sayo, pero bakit parang ikaw pa yata ang may gustong masira na tayo" cold na sinabi ni Louie.

Alam kong may mali ako, inaamin ko naman eh. Hindi ko lang naisip na aabot pa sa ganito.

Hindi ako makasagot sakanila. Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi ko rin naman masisi ang babaeng yun, kasi kasalanan ko naman talaga. Puro kasi kalokohan nasa isip ko. Bwiset.

"Nasaan naba si King? Kanina pa siya wala ah. Tawagan mo nga Louie" Sabi ni Mico.

Nagsindi ako ng yosi para makapag-isip ng maayos. Hindi ko na alam kung paano aayusin 'tong gulong ginawa ko.

"Oh eto, tumatawag siya. Sagutin mo" binigay ni Louie kay Mico ang phone niya at sinagot ito.

"Nasaan ka?" Bungad ni Mico.

"Ano?! Teka sandali, bakit biglaan naman yata?" Gulat na gulat na sinabi ni Mico.

Naitapon ko bigla yung yosi na hawak ko at hinablot sa kamay ni Mico ang cellphone. Pinindot ko ang loudspeak button para marinig ang sinasabi ni King.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon