Chelsie's POV
Nakarating kami sa isang coffee shop. Halos 10:00pm na, may bukas pa ring coffee shop ng ganitong oras?
Bumaba siya sa kotse, sumunod naman ako.
Nauna siyang pumasok sa coffee shop. Akala ko ipagbubukas niya rin ako ng pinto pero hindi. Napaka gentledog! Muntikan pa akong mauntog, psh.
Nagmadali akong sundan siya, bakit ba madaling madali siya dyan? Sino ba yung importanteng taong pupuntahan niya at talaga namang excited na excited siya -.-
Nang maabutan ko siya, iniikot niya ang tingin niya sa buong coffee shop mukhang may hinahanap.
"Huy, ano bang gagawin mo dito?" I asked.
Hindi siya sumagot, at nagsimula ulit siyang maglakad. Sumunod na lang ako.
Huminto kami sa isang table malapit sa may counter ng coffee shop na 'to. May nag iisang babae na nakaupo, busy siya sa laptop niya.
"Alice, kanina ka pa ba? I'm sorry I'm late" he said.
Late? Late agad? Eh sobrang bilis nga ng pagpapatakbo niya kanina eh. Para na kaming nasa roller coaster makarating lang talaga dito. Ganun ba talaga siya kaimportante?
Siya pala yung Alice.
Hindi tumitingin sakanya yung babae.
"Maupo ka" she said.
Naupo naman si AJ.
Teka, paano ako?
Nasa table for two lang sila, so paano ako? Nakatayo lang ganun?
"Huy, saan ako uupo?" pabulong kong sinabi kay AJ.
"Doon, dun ka muna" pagtaboy niya sakin.
Aba siraulo 'to ah! Kung makapagtaboy siya sakin akala mo nanghihingi ako ng barya sakanya. Bwiset! Hmmp.
"May kasama ka pala?" Bigla namang nagsalita si girl, napatingin ako sakanya.
Maganda siya ha.
Maputi, medyo long hair, chinita, basta maganda siya.
Mag jowa ba sila? May jowa ang lalaking 'to? Wow, may pumatol? HAHA.
"Uhm, oo she's Chelsie, yung bagong vocalist ng banda" he said.
Nginitian ko siya, inabot ko ang kamay ko para makipagkamay, "Hi, Chelsie nga pala"
Tumngin siya sakin, pero binaling niya agad ang tingin niya kay AJ.
"Can we talk? Just the two of us" sabi niya kay AJ.
Binaba ko na ang kamay ko, mukhang ayaw niyang makipagkamay sakin. Napahiya tuloy ako.
"Uhm, sige, dun na muna ako sa kabilang table" I said.
Pumunta ako sa kabilang table, mga two tables ang layo sakanila. Baka kasi isipin pa nila nakakaistorbo ako sakanila.
(After an hour...)
Anak ng tokwa, nagwawala na yung tiyan ko. Nagugutom na ako.
Hindi pa ba sila tapos mag-usap? Kanina pa sila dun ah.
Tumingin ako sa table nila, hanggang ngayon nag uusap pa rin sila. Grabe, parang ngayon lang nagkita!
Nagugutom na talaga ako. Gusto ko na kumain.
Bibili na sana ako ng makakain nang maalala ko na nasa kotse pala yung bag ko. Nandun yung pera ko. Shemay naman oo!
For sure nakay AJ yung susi ng kotse niya, paano ko makukuha yung wallet ko dun?
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...