Chelsie's POV
"Ikaw nga! Ikaw yung nag audition diba?" nakangiti niyang sinabi na parang walang nangyari sa uniform niya.
Siya yung guy na long hair, kung di ako nagkakamali siya yung drummer ng RockStar
Naramdaman ko namang may sumundot sakin, "Huy, anong audition ang sinasabi niya?" Pabulong na sinabi ni Jo sakin.
"H-ha? a-audition? H-hindi, nagkakamali ka hindi ako yun" pagtanggi ko.
Tokwa naman oo! Ako talaga ang minalas, hindi siya >_<
I need to go. We need to go out of here! Now na!
"Ah, s-sige mauna na kami ah. Pasensya na talaga sa nangyari sa uniform mo. Bye!" agad ko namang hinila si Jo para makalayo na kami sakanya.
Ibig sabihin natatandaan pa niya ako. PAANO?!
Teka sandali, kawawa naman.
Hindi pa naman kami gaanong nakakalayo kaya binalikan ko siya.
"Oh eto oh, sayo na yan, punasan mo uniform mo. Pasensya ulit ha" sabi ko sabay takbo. Binigay ko sakanya yung panyo ko para kahit papaano may pamunas siya.
Naalala niya pa pala ako? Shemay nakakahiya!
Oh wait, baka sa mga susunod na araw ako naman ang magtrending dito sa campus dahil natapunan ko lang naman ng sago't gulaman ang isa sa mga member ng RockStar.
Anak ng tipaklong, wag naman sana 'no! Dahil kung mangyayari yun, baka malaman 'to ni GJ. Tapos pupuntahan niya ako, tapos kakausapin niya ako at guguluhin na naman ang tahimik kong mundo. Oh shet! Di pwede!
"Chelsie, ikaw nga magsabi sakin ng totoo, nag audition ka ba talaga o hindi?" Jo asked nang makarating kami sa room.
Ayan na naman siya sa pagtatanong niya sakin tungkol dyan.
Sabihin ko na sakanya ang totoo? Kaso nga eh, iisipin niya na ini-stalk ko talaga si GJ.
"Yung totoo lang" she said habang tinititigan ako ng masama
Fine, sasabihin ko na.
Huminga ako ng malalim, "Oo, nag audition ako pero--" hindi ko pa man din natatapos ang sinasabi ko bigla na lang siyang tumili na parang kinikilig na ewan.
"Kyaaaaahhh!!!! Di nga?! Bakit hindi mo ako sinama?! Oh anong nangyari?! Kwento mo sakin dali!!"
Teka, bakit ganyan reaksyon niya? Ibang iba sa naisip ko.
"Ha?" Pagtataka ko.
"Dali na! Ikwento mo sakin. Paano ka nag audition? Anong nangyari? Anong kinanta mo? Natanggap ka ba? Ano? Ikwento mo dali!"
Okay... Hindi halatang excited siyang malaman ang lahat ng nangyari. Pero sige, ikukwento ko na para matahimik na siya.
Kinuwento ko mula umpisa hanggang dulo, kung paano ba nangyari na pati ako eh naging isang auditionee samantalang ang balak ko lang naman ay sumilip. Hanggang sa napakanta ako ng 'Tadhana' at sa tingin ko naman ay nagustuhan nila. Hanggang sa may dumating na tao, hindi ko alam kung sino pero salamat sakanya dahil dun nakaalis ako nang hindi nila nalalaman. The end.
"So nagustuhan ka nila? Si GJ nandun ba?"
"Wala, mabuti na lang at wala siya. Ewan ko ba dun kay long hair, yung natapunan ko kanina, bigla na lang akong tinawag hanggang sa mapakanta na lang ako ng wala sa oras. No choice na eh, nandun na ako sa sitwasyon"
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...