Chelsie's POV
Hindi na ako naka palag sa ginawa ni AJ kanina. Kahit na anong pag pupumiglas ang ginawa ko kanina, walang effect. Kaya heto ako ngayon, naka simangot sa kinauupuan ko habang siya naman at nagmamaneho. Tahimik lang ako, ayoko siyang kausapin bwiset siya!
"Hoy, wala ka bang balak mag salita dyan? Sige ka, mapapanis yang laway mo" pang iinis niya.
Hindi ko siya pinansin, inirapan ko lang siya ng mata. Kainis talaga!
Saka anong date ang sinasabi niya?! Kapag nalaman 'to ni Alice baka gerahin na ako nun. Ayoko ng gulo huhuhu!
Ilang saglit pa ay naka rating kami sa isang tapat ng malaking building. Ngayon ay nagpapark na kami ng kotse.
Mukha bang dating place maituturing ang building na 'to? Nasaan ba kami? Saan ba ako dadalhin ng isang 'to?!
At nang makapag park na kami ng maayos,
"Let's go, wag ka nang sumimangot dyan. Hinihintay na tayo ni ate Amanda"
Ano namang kinalaman ni ate Amanda dito? Naguguluhan na ako ah! Ano 'to, nag set ng date si ate Amanda para samin ni AJ ganun?
"Bababa ka ba dyan o gusto mong buhatin ulit kita?" Sabi ni AJ na naka silip sa pintuan ng kotse, naka baba na pala siya.
"Oo na, eto na nga po oh!" I said.
Sabay na kaming pumasok sa building. Dire-diretso lang kami sa paglalakad at sumakay ng elevator.
Ano bang gagawin namin dito? Mag de-date ba talaga kami? O baka naman nag a-assume na naman ako -__-
Pinindot ni AJ ang 8th floor button.
Sa totoo lang ayoko talagang kausapin itong si AJ. Nabibwiset pa rin ako sakanya pero kailangan kong malaman kung bakit ba kami nandito.
"Ano bang gagawin natin dito? Bakit tayo hinihintay ni ate Amanda?" I asked.
Lumingon sakin si AJ at nginisian ako, then binaling niya ulit ang tingin niya.
"Akala ko habang buhay mo na akong hindi kakausapin" natatawa niyang sinabi.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko. Puro ka kalokohan dyan eh" irita kong sinabi.
Hanggang sa bumukas na ang elevator, nasa 8th floor na kami hindi niya pa rin sinagot ang tanong ko.
I followed him, hindi ko naman alam kung saan kami papunta eh. Nauuna siyang maglakad, ang bilis niya talaga. Pumasok siya sa isang room, sumunod naman ako agad.
Pag pasok namin nakita kong ang daming tao, halos lahat abala at may ginagawa. Ano bang meron dito?
Oh, mukhang may photoshoot. Base sa nakikita ko, mukhang photoshoot nga ito. So dito kami mag de-date ganun?
Ano ba Chelsie! Obvious naman hindi 'to dating place at obvious namang hindi talaga kayo mag de-date!
"What are we going to do here?" I asked AJ.
Tumingin siya sakin pagkatapos iniwan akong naka tayo malapit sa may pintuan. Aba loko talaga 'to ah!
I saw him approached someone then may itinuro ito sakanya. Agad kong sinundan si AJ, ayoko namang maiwang naka tunganga dito 'no.
Hanggang sa makita namin si ate Amanda,
"Oh, you're here! Finally!" sabi ni ate Amanda kay AJ. "I need your help Jae, thanks for coming"
"Sure ate, ikaw pa ba? What can I do?"
Mukhang dito nagtatrabaho si ate Amanda.
"Kailangan namin ng photographer. Yung kinuha kasi naming photographer hindi na makakapunta for some reason. And we can't afford to call another professional photographer at this time. We have no time, we need to finish this shoot today. Oh by the way, where is Chelsie? Isinama mo ba siya dito?"
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...